CHAPTER 1: HI

54.2K 875 7
                                    

"Lian, tulungan mo ko !.",sigaw ng batang babae

"KIERRA!!!", sigaw ng batang lalaki

"Wag!!!"

*BANG*

"Wag!!!.", sigaw ko

Ano yun?, sino si Kierra?

Sino si Lian?

Sino sila?

Panaginip lang pala. akala ko kung ano na.Phew..pero sino ba sila?Nagstretch muna ako at tumayo. Umaga na pala. Inaantok pa ko eh.
Tumingin ako sa relo ko.

O____O

"WAHHHHHH!!!!.", sigaw ko

Pano ba naman eh 6:30 am na. May flag ceremony pa naman eh, hala 45 minutes na lang eh waaahhhh.Kaya nagmadali akong magbihis.Ayokong ma-late first day ko pa lang eh, ano ba yan?


Dali-dali akong lumabas sa kwarto.At nakasalubong ko si nanay.Mukhang bagong gising pa eh no..


"Nay, Nay, una nako ha."paalam ko, habang nagaayos na ng gamit ko

"Nak san ka pupunta?", tanong nya, at humikab pa sya na para bang kulang pa ang tulog nya


"Nay may klase po ako ngayon, first day ko nga po eh."sabi ko. At hindi na talaga ako mapakali. First day pa naman ng klase. Ayokong malate no.



"Eh?"tanong na na para bang hindi ya nainform na may klase ako ngayon.


"Oo nay sige una nako."sabi ko


"Nak almusal ka muna, "yaya nya. At nagsimula na syang magayos ng lamesa pero napaisip ako na baka tuluyan na akong malate kapag kumain pa ako.


"Hindi na nay, dun na lang, babye."paalam ko, at nagsuot na ng sapatos. Sinuot ko na rin ang bag ko.

"Sige nak , ingat ka."sabi nya.

Lumabas na ko ng bahay at tumakbo papunta sa paradahan ng jeep, tiningnan ko ang Samsung Galaxy S5 ko, joke hindi. Poor phone lang to no.. hehe..Waaahhh. 6:55 am na .Patay na talaga ako late na ako.

Tiningnan ko ang wallet ko, P 50 lang ang baon ko. okay na to magtitipid muna ako, simula ngayon.Magjejeep na lang muna ako ngayon tapos mamaya maglalakad ako.Yes may jeep na. Sasakay na sana ako , pero may matanda.

"Sige nay una na lang po kayo."sabi ko. At inalalayan ko syang sumakay ng jeep. Yan ang sabi sakin ni nanay pahalagahan ang mga matatanda,

"Salamat hija."sabi nya at nginitian nya pa ako, kaya nginitian ko rin sya.


"Sorry miss sa sunod na lang na jeep, puno na eh."sabi ng konduktor.

Waaaah ba't ba ang malas ko ngayon?Badtrip naman o.Aist anong gagawin ko?


"KJ!!!!"mukhang kilala ko kung sino yun ah! Agad akong napalingon at nakita ko ang bestfriend ko. Si Alliana!


"Alliana!."tawag ko



Si Alliana nga pala bestfriend ko, ang matalik kong kaibigan dito sa lugar namin. Mayaman sya pero ako malayo ang agwat namin, kasi mayaman sya, mahirap lang ako, kitams.


"Papasok ka na?"tanong nya kaya tumango ako.


"Oo."sabi ko


Si mama naman kasi pwede naman akong pagaralin sa public school pero pinagaral pa ako sa isang engrandeng eskwelahan. hindi naman ako bagay don eh.Pero dapat ngayon kapalan ko na talaga ang mukha ko para di ako malate.

"Uhmm. All, "tawag ko sa kanya, kailangan kong gawin to para hindi ko malate.


"Yes. KJ?"tanong nya at para bang nahulaan nya na ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Pwedeng makihiram ng bike?"tanong ko at nginitan ko sya para  mas makumbinsi ko syang pahiramin ako. Mabuti na lang talaga may mabait akong bestfreind.

"Salamat tseb"sabi ko
Pinahiram nya ako ng bike. Yes sa wakas. Sana hindi talaga ako malate.






----
A/N: Guys ito po ung bago kong story, mali po kasi yung una eh, kaya sorry sa misunderstood.

Mas maayos na po to kaysa sa unang story, ganon pa rin po ang characters pero iba na ang plot at ang story .

Kung babasahin nyo po thank you, pero kung hindi okay lang..

God bless guys... :)

When The Mafia Prince Meets The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon