Chapter 5

89 2 0
                                    

Meeting Him

I just found myself leaving that place with heavy feeling. Guilty,because leaving someone important to you is really hard decisions. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon. I messed up.

Hinihingal akong nakarating sa lugar kung saan ako nagta trabaho. I checked what time is it. I'm too late. Sigurado akong mapapagalitan ako nito sa boss ko.

Napabuntong hininga ako bago tuluyang lumipat papunta sa fast food chain na pinagta trabahuan ko.

Habang lumilipat ako sinisigurado kong walang sasakyan na dadaan. Tingin sa kanan? Check. Nabigla ako nang biglang tumunog ang aking telepono at saktong may paparating na itim na sasakyan ang dadaan.

Nalalaki ang mata ko habang papalapit ang itim na sasakyan.Wala akong naririnig na tunog bukod sa mabilis na pintig ng puso ko.

Sabi nila kapag daw nasa bingit ka ng kamatayan para raw magpa flashback lahat ng mga nangyari sa buhay mo. And I think that's kinda true. Nae experience ko kasi ngayon mismo. Ang mga memoryang nangyari sa buhay ko.

Hanggang dito na lamang talaga ako? Hindi ko man lang ba mararanasang mamuhay ng masaya? Bakit?

Naramdaman kong may pumatak na luha sa aking pisngi. Napangiti nalang ako ng mapait habang tinatanaw ang itim na sasakyan na papalapit sa akin.

Bumangga ang itim na sasakyan sa akin ngunit bago ako mawalan ng malay narinig ko na ang mga sigaw ng tao. Humihingi sila ng saklolo. At higit sa lahat ang isang imahe ng lalaki.

Beep. Beep. Beep. Eh? May ganitong tunog ba sa langit? Akala ko tahimik lang? Bakit parang tunog ng isang machine? Patay na ba ako?

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puti. Puro puti lamang ang aking nakikita. Ibig sabihin....nasa langit na talaga ako noh?

"Doc? Doc! She's awake! Paki check naman po!" tinig ng isang babae. Yun ba yung angel? Pero bakit siya tumatawag ng doktor? Ah baka gagamutin muna ako bago papasukin sa langit?

Samu't saring tinigang mga naririg ko. Meron pa ngang 'check her vital signs' ganon. Hindi ko nalang pinansin at inilibot ang tingin ko.

Eh? Nasa hospital pala ako? Teka? Ibig sabihin nito hindi ako patay? Napaluha ako at napapikit. Nagpapasalamat na binigyan ako ng ikalawang pagkakataon na mabuhay ng Panginoon. Salamat po Ama.

"Miss? Hey,are you okay? Doc! Check her please. Why is she crying? Is she okay?" anang tinig ng isang lalaki. Base sa kanyang boses natataranta ito.

Estranghero ang kaniyang boses. Hindi ko siya kilala. Pero baka siya ang nagdala sakin dito?

"She's okay Mr. Escarra. No need to worry." paninigurong sagot naman ng isa pang tinig. Siya siguro yung doktor.

Narinig kong napabuga ng hangin dahil sa ginhawa ang lalaking kanina na nagsasalita. Sinilip ko siya para malaman kung sino.

Natigilan ako sa nakita. Isang matangkad at morenong lalaki ang bumungad sa paningin ko. Napatingin ako sa kaniyang mukha. May makakapal na kilay. Kahit malayo nakikita ko ang mga curly eyelashes niya. He has pointed nose and slightly squared jaw.

Hindi ko namalayan na napasobra na pala ang pagtitig ko sa kanya kaya nabigla nalang ako nang nasa harapan ko na ang lalaking estranghero. Lumalarawan sa kaniyang magandang mukha ang pag aalala.

"Are you really okay,Miss? May masakit ba sayo? Tell me." sunod-sunod na tanong nito. Nang dahil sa malapitan mas lalo kong nakita ang kanyang mga magagandang pilik-mata,ngunit mas lalo akong natulala nang masulyapan ko ang kaniyang pares na kulay abong mga mata. Ang ganda.

UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now