Chapter 36

38 1 0
                                    

Transferee

"Sis! Saan ka galing? May chismis!" Bungad agad ni Sheen.

Napangiwi naman ako. Umagang-umaga chismis agad.

"Luh, tigil-tigilan mo ako pwede ba?" Inis na sabi ko at binaba ang bag saka umupo. "Ano ba iyon?" Ngising tanong ko.

"Ayorn, kunwari pang ayaw pero kating-kati na malaman." Pairap na sabi niya.

"Nyenye, ano ba iyon?" Bugnot na sabat naman ni Cha.

"Ito nga may nabalitaan ako may bagong poging transferee raw and guess  what? " Pa suspense pa ang baklitang ito. Hindi kaya kapatid ko tinutukoy nito?

"Itutuloy mo o babangasan kita?" Pananakot nito Cha kaya napairap sa ere si Sheen.

"Epal. So, yun na nga may poging transferee and dito siya sa section na'tin napunta mwahahha." Ay, hindi pala kapatid ko hshs. Pogi naman yung tukmol na iyon kahit na mapang asar na siya ngayon.

"Ah, yun na yon?" Dismayadong sabi ko.

Napalaki ang mga mata nito habang napapatakip pa ng bibig.

"Ang OA ng reaksyon mo bakla, para bang may sinabi akong masama." Natatawang saad ko.

"Aba meron! Ano'ng 'yun na yon?', are you gagoing me? Pogi yung pinag uusapan sis! Pogi, as in P-O-G-I!" Nanggigigil na sabi nito sa mismong harap ng mukha ko.

Napapikit naman ako at patawa-tawa lang.

Magsasalita pa sana siya nang biglang pumasok si Prof. Kinaya kaya napaayos kaming lahat.

"Good morning class." Bati niya sa amin pagkatapos ay may pumasok na lalaki.

"Good morning Prof." Sabay-sabay na bati naman namin.

"As you see, I'm with someone and he is you new classmate. Kindly introduce yourself hijo."

"Good morning. I'm Keoni Stone Cromwell. Nice to meet you all." Nakangiting pagpapakilala niya.

"Ang gwapo!"

"Wah! Target lock po!"

"Shit! Siya na ba ang future husband?!"

"Hala siya yung sinasabi ko! OMG! Ang gwapoooo!" Pigil ang tili ng katabi ko.

Napangiwi na lang ako dahil nakita ko naman siya kanina. Humarap ako sa mga kaibigan ko at napagtanto ko na nakatunganga silang lahat. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Tss.

"Quite class. Thank you Mr. Cromwell. Please be seated."

"Where po?"

Nagpalinga-linga naman si Prof at nahinto ang tingin sa'kin, sa side ko to be exact.

"There, the chair besides Miss Villin."

Napatingin sa akin si Keoni at biglang ngumiti.

"Hala anteh! Nginitian niya ako omygosh! Omygosh, mahihimatay na yata ako." Sabay paypay pa niya gamit ang kamay niya.

Napangiwi na lang ako sa kaartehan niya. Tss.

Muli akong humarap at nakitang naglalakad na papunta sa pwesto niya si Keoni.

Nang makarating siya sa harap ko ay kumaway siya. "Nice to see you again, Miss." Bati niya bago umupo.

"Nice to meet you too again." Harap ko sa kaniya.

"You need to explain yourself later, gurl." Madiin na bulong katabi ko kaya napailing na lang ako.

Nagtuloy-tuloy lang ang mga lessons namin hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na breaktime na.

UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now