Barkada Moments
"Tao po?" pagtawag ko sa loob ng bahay nina Dielle. Sa sobrang laki ng bahay nila baka hindi nila ako naririnig kaya naisipan kong pindutin na lang ang doorbell. Minsan kasi nasa gate lang yung mga yaya nila tapos si Manong Lando--yung guard nila hindi ko alam kung nasaan.
Hindi pa man nakakaabot ng isang minuto nakalabas na agad si Ate TinTin. Siya ang pinakabatang kasamabahay nina Dielle.
"Oh ZynZyn! Ikaw pala yan. Pasok ka." sabay bukas nito ng gate.
"Salamat po Ate TinTin."
"Buti naman napadalaw ka ulit dito? Kay tagal na ng huli kang nakapunta dito ha?" pagdaldal agad ni Ate TinTin.
"Pasensya na po. Medyo busy din po kasi sa mga gawaing pampaaralan at sa trabaho din." nahihiyang pagsagot ko habang naglalakad kami papasok
"Naku! Ikaw talagang bata ka masyado kang ma-focus sa pag-aaral. Hindi naman masamang mag-aral ng mag-aral pero sana naman i-enjoy mo yung pagiging kabataan mo diba? Masyado kang strikto sa sarili mo." pagsermon agad niya.
"Hindi naman po Ate TinTin. Okay lang naman po ako at nag-e-enjoy. Hindi ko lang po talaga masyadong hilig mag-gagagala at kung anu-ano pa."
"Osiya sige! Mauna na ako at hintayin mo na lang si Dielle dito ha? Marami pa akong aasikasuhin." sabi niya nang makarating na kami sa sala. "Ay teka! Gusto mo ba ng maiinom o makakain?" pahabol pa niya.
Agad naman akong umiling. "Naku....hindi na po Ate. Ayos lang po ako. Sige na po asikasuhin niyo na ang mga kailangan niyong asikasuhin at mukhang busy po kayo. Baka nakakaabala na po ako."
"Aru! Hindi naman. Ikaw talagang bata ka. Hindi ka naman iba dito. Sigurado kang wala ha? Mauna na ako. Hintayin mo na lang si Dielle." kahit kailan napakadaldal ni Ate TinTin. Hindi pa rin nagbabago.
"Sige po. Salamat." pagpapasalamat ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni Ate TinTin ay siya namang dating ni Dielle.
"Omy! Hello Zyn!" sabay kaway niya habang pabaha ng hagdan nila.
Kumaway naman ako pabalik. "Aba,aba! Hiamla ang aga mo ha? Ano'ng meron?" bungad na pang-aasar niya sabay upon sa couch.
"Luh ka. Ang OA mo. Porque ako lagi nale-late hindi na pwedeng maaga naman ako? Ang sama mo ha." kunwaring tampo ko.
"Ito naman hindi na mabiro."
"Nanghahampas pa."
"Ay hala! Sorry...peace!" sabay peace sign niya. "Anyway,dahil maaga ka at wala pa yung tatlo. Akyat muna tayo. Tara?" hikayat niya sabay tayo.
Tumayo na rin ako at sumabay sa kaniya.
"Nga pala. Ipapagawa pa ba kita ng dress kay Mommy? O yung binigay na lang ni...ehem..ni Zane......?" tanong niya. Kala naman hindi ko halata. May toning pang-aasar ha?
"Sige mang-asar ka lang. Pero yung binigay na lang ni Zane. Para naman tipid."
"Sus! Para ka namang iba ha? Bet nga ni Mommy iyon eh. Isa pa,na-mi miss ka na nga daw no'n eh. Araw-araw ba naman tanungin ka sa akin. Kaunti na nga lang magseselos na ako at mapagkakamalang kayo ang mag-ina."
"HAHAHA sabihin mo nami-miss niya ako kasi wala na siyang pang-model na mga damit. Kasalanan mo eh. Ikaw ba naman kasi ang arte."
Tawa-tawa naman niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kuwarto. "Ay oo nga pala. Sorry naman HAHAHA. Pasok."
"Wow. Renovated ata?" ginala-gala ko ang tingin ko sa loob ng kaniyang kuwarto.
"Ahh oo. Si Mommy ang may idea niyan. Sa akin ayos na yung dati pero dahil fashion designer si Mom pati kuwarto ko pinagdiskitahan. Umupo ka muna diyan. Pupunta lang akong kusina para kumuha ng pagkain natin." saka siya umalis para pumunta sa kabilang parte ng kaniyang kuwarto. Kung naiisip niyong nasa loob ng kaniyang kuwarto ang kusina. Yes. Nasa loob nga ng kuwarto niya. Iba talaga mayaman. Yung kuwarto parang bahay na rin. Sana all diba? Char.
YOU ARE READING
UNTIL WE MEET AGAIN
RomanceThis is work of fiction. Names, characters, places, businesses, events or incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coinci...