Chapter 9

7 0 0
                                    

Jed's pov

Ang saya ng celebration nina kurt dito sa unit nila kiara..

Kanina pa sila sweet dun sa may gilid.. tas si paul ang weird kaya ayun pumunta na siya sa room namin. di ko alam kung ano nangyari doon.

Si zico naman ayun at napagtripan ulit si jessy

"ano ba! Problema mo"-jessy

"wala"-zico

"tantanan mo ko"-jessy

"ayaw"-zico

Hay.. lagi silang ganyan.. parang mga ewan tsk tsk tsk!!

"oh asan na si paul?" tanong sakin ni Jamie

Aba sakin pa talaga hinanap...

"hindi ako tanungan ng mga taong nawawala" pagsusungit ko ditto

Tinignan naman ako nito ng masama

"ewan ko sayo!" sagot nito sabay alis.. pumunta siya sa may balcony

Sinundan ko naman siya dun.. napansin ko namang hindi siya umiinom ng alak kanina eh wala namang pasok bukas.. kj talaga to.. puro juice yung iniinom nito..

Tumabi naman ako sakanya..

"bat ka nandito?" tanong ko sakanya

"fresh air"-simpleng sagot nito

"ahh I see.. pwede tumabi?"-tanong ko

"tumabi ka na nga eh"- pambabara nito sakin

Pero nakakapanibago mukang kalmado naman siya ngayon..

"kero.. bakit lagi kang naiinis sakin??"-ako

"eh lagi ka kasing nangiinis"-sagot niya.. may point nga naman siya.. di naman kasi siya namamansin pag di mo aasarin.. edi inaasar ko nalang lagi

Oh wag piling ah.. ako lang kasi ang di niya kinakausap eh nakakasakit kaya ng pride!!

"So pwede tayo maging friends?"-ako habang nakaharap sakanya.. siya naman ayun nakatingin lang sa kawalan

"oo naman.. open naman ako sa lahat eh nagkataon lang siguro na hindi maganda yung unang pagkikita natin kaya ayun nagtuloy tuloy.."-siya at tumingin siya sakin.. magkatitigan kami ngayon

At yun ngumiti pa siya.. medyo natigilan naman ako...

Ilang sandal pa ayun at natauhan na ako...

"sorry hah"-  yun nalang yung nasabi ko

"okay lang yun ang gago mo kasing tarantado ka!"-siya

Natawa naman agad ako kasi nakakatuwa talaga siya pag nagmura hindi kasi kapanipaniwala

"tignan mo to magsosorry tas tatawanan ako.. ang gago mo talaga"-siya

"hahaha! Di naman yun dahil dun eh.. nakakatuwa lang kasi nagmumura ka na't lahat lahat pero di kapanipaniwala.. ang cute lang"-di ko namalayang nasabi ko yun

Namula naman siya sa sinabi ko

"you're blushing!!"-ako sabay tawa

"hoy.. kahit papano babae padin ako tarantado!!"—siya sabay palo sa balikat ko

Ako naman ang natahimik sa sinabi niya.

"oh anyare sayo??"-siya

"ahh—wala wala"-ako

"oh basta ha?? Bati na tayo"-ako

"yeah right!!"siya

"pero bat ang moody mo??"-ako

"ako?? Moody ba??"-siya

"oo kaya.."-ako

Tumawa naman siya..

"ewan ko din eh.  pag gutom ako, mainit ulo ko.. pag naarawan ako naiirita ako."-siya

"ahh, I see"-ako

"now you know, best buddy ko ang foods hahaha"-siya

"pansin ko nga din eh, may time pa nga na akisidente kong natabig yung bag mo kinabahan pa ko kasi baka may gadgets ka dun pagkatingin ko puro pagkain pala.."-ako sabay tawa

"oy grabe ka naman hahahaha!"-siya

Bigla naman siyang nag yawn..

"inaantok ka na ata?"-tanong ko

"di naman.. sakto lang"-siya

"mukang antok ka na eh"-ako kasi sa totoo lang mukang inaantok na talaga siya kasi nilalabanan lang niya

"halata naba talaga??"-siya sabay lapit ng muka niya sakin

"oo kaya!"-ako

Tumawa lang naman siya

Natulala na naman tuloy ako...

"oy matunaw ako"-siya

"ha—hah?? " tanging nasagot ko

At natawa na naman siya

"ang epic ng itsura mo!!"-siya sabay tawa ulit

Wala naman na itong ibang ginawa kundi tumawa...

"Jamie! Jed smile!!"- sigaw ni celine at sabay kaming napatingin sakanya at yun nag pipicture na naman siya ngumiti naman siya at yung ngumiti na din ako.. naka ilang shot din kami,,.. at yun binigyan ako ng copy ni celine pagkatapos  .. meron yung pinaka magandang shot naming yung nakaakbay ako sakanya at yun sobrang magkadikit kami..

Well kahit papano Masaya na.. kasi at least okay na kami,, we're friends na

Love like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon