Celines pov
Nandito ako ngayon sa room ko at di talaga ako makatulog dahil na din siguro sa sinabi ni dad sakin.. kailan lang din kasi nung pumunta ako sa hospital namin para kausapin si dad kasi nga may mali sa puso ko....nagsimula yun nung monthsary nila kurt at kiara pero di ko lang pinapahalata.. pinagtawanan lang kasi ako ni papa sabi niya nagdadalaga na daw ako.. anong konek nun!??? In love pa daw ako.. ano ba yung love?? Nakakain ba yun?
Pero syempre joke lang alam ko naman yun pero love?? Si paul??? No way....
Kinaumagahan nagluto agad ako ng breakfast namin lagi namang ako eh.. pag gising nilang tatlo medyo awkward padin kasi nga di ba may tampuhan ata yung kambal..
"jamie, paabot nung kanin"-kiara
"malayo sakin"- jamie
Nasa tabi kasi iyon ni jessy kaya ayun si jessy na mismo yung nagbigay kay kiara
"ahm.. okay na ba kayong dalawa.."-tanong ko
Si jamie tuloy lang sa pagkain si jessy naman umiwas ng tingin
"hoy kinakausap kayo oh"- kiara
"hahaha! Hang sharap sharap ng yuto ni shelin oh *nom nom nom*"-jamie
"don't talk when your mouth is full"- jessy
"k dot"- jamie
"hoy di ba talaga kayo magbabati"-si kiara na halatang napipikon na
"kaya nga oh.. di pwedeng ganyan kayo maghapon
"wala akong kasalanan"-jamie
Bumuntong hininga lang naman si jessy
"look i'm sorry"-jessy
"uhhmmmmm..."-jamie
"hoy wag kang mapride! Nag sorry na oh"-ako
"uhhmmmmmmmm...."-jamie
"anong hmmmm... hoy magsalita ka nga!!"-kiara
"kung ayaw mo okay"-jessy
Hahampasin ko na sana
"wait kasi! Masyadong atat!! Sabi niyo wag magsalita pag kumakain tapos pinipilit niyo ko magsalita!! Manners naman!!"- bulyaw ni jamie na parang batang inaagawan ng laruan
Tumawa naman kaming lahat sa sinabi niya...
Bigla namang lumapit si jessy at niyakap siya
Ayun ok na sila nung umupo ulit si jessy
"bakit nga ba nagalit??"-kiara
"kaya nga! Don't tell me ... you're jea—-"-ako
"ituloy mo yan at isasaksak ko sa lalamunan mo itong tinidor..
"Murderer"- bulong ko at di na muling nagsalita
Nasa school na kami nang makita ko si paul, napatingin naman ito sakin at saglit na nagkatitigan pero umiwas ako.. yung letcheng puso ko kasi nag umpisa na namang mabaliw...
Kasama niya si jed at palapit sila ngayon sa amin.. si kurt ayun at kinaladkan si kiara palayo
"Goodmorning"- bati ni jed
"Goodmorning"- jessy
Si zico naman parang nagbago dati kasi ang kulit ngayon naging seryoso yung itsura niya.. tinanguan lang niya si jamie at ngumiti pero nawala din iyon ng makita si jessy.. si jessy naman mukang gulat dahil di man lang siya nito tinignan..
BINABASA MO ANG
Love like this
Teen FictionIf someone truly loves you, they won't tell you love stories, they will make a love story with you. -