Chapter 15

4 0 0
                                    

(can't help it, it hurts)

Zico's pov

Kanina nagulat nalang ako nang biglang nawala si jamie sa tabi ko ..

Hinanap ko naman agad siya pero habang nag lalakad ako sa may corridor may narinig akong hikbi mula sa auditorium.. agad naman akong pumasok doon at nakita ko si jessy na umiiyak sa may sulok agad ko naman siyang nilapitan

"okay ka lang"- tanong ko

Tinignan naman niya ako ng masama

"ah.. sabi ko nga..." tanging nasabi ko

 Patuloy naman ito sa pagiyak

"Please don't cry ayokong nakikita kitang ganito"- di ko namalayang nasabi ko iyon

Nagulat naman ako ng hinampas hampas niya ako..

"nakakainis alam mo yun! Concern lang naman ako pero bakit ganun!!? Pinagtabuyan niya padin ako.. nakakainis talaga! Nag aalala lang naman ako eh!!" saad nito habang hinahampas padin ako

agad ko namang hinawakan yung kamay niya para pigilan ito.. masakit kaya!!

"tama na jessy"- mahinahon kong saad sakanya

"di mo ako naiintindihan eh!! Di mo alam!! Masakit zico!! Masakit!!"- sigaw nito sakin

"alam ko!! Alam ko yung pakiramdam kasi yun yung nara—- aist! Tama na" saad ko sakanya

Napatigil naman ito at umiwas ng  tingin sakin

Nang kumalma na siya humarap agad siya sakin

"just pretend wala kang nakita"- pagtataray nito sa akin

At tumayo na ito

Sinundan ko lang naman siya

Nung nasa pinto na kami

"thanks"- jessy

Agad naman akong ngumiti ng pagkalapad lapad

Habang naglalakad kami nadaanan namin sina jed at jamie na nagtatawanan

Agad namang nagkatinginan sina jessy at jed

Iiwas sana si jessy pero hinigit ni jed yung kamay niya

"jessy, look i'm sorry" saad nito

Agad niyang niyakap si jessy

Parang nanlambot yung tuhod ko. Nakatingin lang naman si jamie sakin pero halatang shock din siya

"sorry di ko na talaga uulitin iyon, sorry jessy" saad ulit nito at lalong humigpit ang pagkakayakap nila.. ngumiti naman si jessy at yumakap pabalik

Napakuyom ang kamao ko at medyo naluluha ako..

Oo nasasaktan ako kasi nga mahal ko siya! At sobrang nasasaktan na ako..  sobrang masakit na

Papatak na yung luha ko nung bigla akong yakapin ni jamie tapos tinapat niya yung muka niya sa  muka ko.. tinignan ko siya.. alam ko naman kung bakit niya ginawa yun para di nila makita.

"jamie, masakit na masyado"-bulong ko sakanya

"alam ko.."

Napansin ko namang naghiwalay na sina jessy at jed

Magkadikit yung noo namin ni jamie at napapikit ako nang mariin

"lets go jamie.. di ko talaga kaya"- saad ko

"anong ginagawa niyo?"- tanong ni jessy at nakakunot pa ang noo nito

Agad namang humarap si jamie sakanila pero tinatakpan padin niya ako.. napahawak ako sa damit niya malapit sa bewang.. hinawakan naman iyon ni jamie at ipinulupot sa waist niya kaya parang nakayakap ako sakanya

"ah-eh- wla , napagod daw siya kakahanap sa akin kaya aalis na kami..kasi—ahh- gutom na ako... bye!!"- paalam nito

Lumalakad na kami palayo nang magsalita si jessy

"okay ka ka lang zico?" tanong niya

"yeah"- tanging sagot ko at tuluyang umalis

Well umiyak talaga ako.. sinamahan ako ni jamie sa isang KTV bar.. kumakanta lang kami.. uminom ako ng alak pero konti lang kasi dala ko yung sasakyan ko

Tamang gawain lang ng broken hearted..

Oo brokenhearted ako!!!

Sa dami kasing mamahalin bakit si jessy pa!!

Bakit hindi na lang si Jamie.. hindi siya mahirap mahalin...

Minsan nga iniimagine ko na kami ni Jamie.... Siguro ang saya.. walang problema at siguradong magkakasundo kami sa lahat ng bagay....

Sana si Jamie nalang...

Sana hindi nalang si jessy.........

Love like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon