Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2:

"Ate!"

I heard a loud knocked from my room door.

Inimulat ko ang mata ko bago ko pinagbuksan ito.

"Ano yun? Natutulog pa yung tao eh!" inis na anas ko rito. Ikaw ba namang gisingin, eh ang sarap ng tulog ko tss.

"Pa-tulong ako sa assignment ko, bilis male-late na 'ko"

"Sige, mamaya" saad ko.

Duh! Kakagising ko lang teh, gusto mo agad-agaran?! Pa-ihiin mo muna 'ko

"Pa-tulong lang eh, ang damot mo."

"Ang sa-sama ng ugali niyo, nagpa-patulong sa 'yo yung kapatid mo 'di mo man lang tulungan" saad ni mama. " Magkakapatid kayo, kayo dapat nagtutulungan."

Haists... Napa-buntong hininga na lang ako.

Sinabi ko ba'ng hindi ko siya tutulungan? Sinabi ko nga diba, mamaya. Hindi ba kayo nakakaintindi ng mamaya?

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak.

-

Pinadausdos ko ang malamig na tubig sa katawan ko at dinama. Matapos ay kinuha ko na ang towel ko at binalot sa hubad kong katawan. Dumiretso ako sa closet ko at naghanap ng masusuot. Kinuha ko ang uniform ko at isinuot ito.

"Ashley! Bumaba ka na diyan" sigaw ni mama mula sa baba.

"Opo ma, pababa na po!" sigaw ko pabalik rito.

Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa full body mirror. Nang makita ko'ng ayos na ay bumaba na 'ko.

Pagbaba ko ay sumalubong sa akin si mama at binatukan ako. "Ikaw talagang bata ka, ang kupad-kupad mo!"

"S-sorry po" saad ko.

Dumiretso na ako sa dining area at naupo sa tabi ni kuya.

Kumakain kami ng biglang nagsalita si Kuya. Napatingin sila mama at papa rito pati na rin ako.

"Ma, pahingi po ako ng pera... may project po kasi kami" saad ni kuya kay mama. Agad itong tinugunan ni mama.

"Sige, dadagdagan ko ang baon mo"

"Thank you ma! Ang ganda mo talaga" pangbobola ni kuya na siyang ikinatawa namin. I laughed in my mind, si Kuya talaga.

Tapos na akong kumain. Tiningnan ko muna ang wrist watch ko bago nagsalita.

"Ma, Pa, alis na na po ako" pagpa-paalam ko. Uminom muna ako ng tubig bago tumayo.

-

"Good afternoon class!" bungad ng teacher namin, si Ma'am Santos.

Hayst... naalala ko na naman yung kagabi.

"Ma'am!" I shouted and raised my right hand to get my teacher's attention.

"Yes, Miss Dela Fuente?" Lumapit ako rito at mahinang nagtanong.

"Ahh... Ma'am wala pa po akong ka-group" saad ko. "Ok lang po ba kung mag-individual na lang po ako?"

"Sumali ka na lang sa iba mong kaklase" suhestiyon nito.

"Kumpleto na raw po silang lahat eh" pagsa-sabi ko ng totoo. Tumango ito at sinenyasan ako na bumalik na sa upuan ko.

Yes! Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagpayag ng teacher ko.

Mediyo maraming activities na pinagawa sa amin ngayon pero keri naman. Malapit na kasing matapos ang 3rd Quarter kaya naghahabol na ang mga teachers namin sa pagbigay ng mga activities and projects.

7:30 na nang makauwi ako sa bahay dahil isa ako sa mga cleaners ngayon.

"Ang saya mo ah?" salubong sa akin ng kapatid kong babae, si Alyana.

"Huh? W-wala!" tugon ko kay Yanna at pumunta na 'ko sa kusina para magluto ng kakainin ko.

Pagkatapos ay niligpit ko ang pinagkainan ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at inihanda lahat ng mga gagamitin ko para sa English performance activity na pinapagawa sa amin.

I started to film my self, and...

You sent a video.

Haists... Natapos rin!

I laziy laid my body on the bed and closed my eyes.

And all went black

-

:)

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon