Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6:

Isang malakas na sampal ang natanggap ko pagka-uwi namin ng bahay.

"Ano 'to ha, 75?! Pasang awa!" sigaw ni mama sabay hagis ng card ko.

"S-sorry po ma," saad ko sa gitna ng paghikbi.

Bagsak ako sa subject na English. Oo, para sa iba madali lang ang subject na yan, pero para sa 'kin... mahirap. Hirap ako sa subject na English at Science. Kung ipagko-compare nga ang dalawang subject na yan sa Math. Masasabi kong mas madali ang Math.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha?! Bobo ka na nga, wala ka pang silbi!"

Ang sakit ha, aminado naman akong bobo ako pero yung walang silbi? Hindi ko ata tanggap 'yon. Ginagawa ko naman lahat ng utos niyo ah. Kahit ang dami ko pang assignment, inuuna ko yung gawaing bahay, yung makatulong.

Pero wala pa pala 'kong silbi para sa inyo, pasensya na ha.

"Sana hindi na lang kita naging anak!" saad ni mama. "Sana ipinalaglag na lang kita noon! Nakakahiya ka!"

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Ewan ko ba ba't umiiyay pa ko, eh sanay naman na akong marinig ang mga salitang 'yan.

"Dadalhin na kita sa lola mo, hindi na kita kayang buhayin."

Mabuti pa nga ma, mabuti pa nga'ng dalhin mo na lang ako kay Lola! Para hindi ko na marinig yang mga masasakit na salitang binibitawan mo!

Gusto kong sabihin 'yan, gusto kong isigaw 'yan pero wala akong lakas ng loob na sabihin 'yan sa kanya kasi nanay ko pa rin siya.

Tumakbo na ako pa-akyat ng kwarto ko at doon ko binuhos lahat ng mga luha ko. Pagod na pagod na ko, pagod na pagod na ko sa buhay ko!

Gusto ko nang mamatay, gusto ko nang tapusin lahat ng 'to.

Lord nasaan ka na? Bakit mo ko pinahihirapan ng ganito?! Tulungan mo naman ako oh, dahil pagod na pagod na 'ko!

Biglang nanlabo ang paningin ko, nahihilo ako.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

"Ate!" huling salita na narinig ko mula sa kapatid ko, hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

-

"Ashley, apo, gumising ka na."

"Lola, inaantok pa po ako," nakapikit na sabi ko at muli kong binalot ng kumot ang sarili ko.

"Gumising ka na at aalis tayo."

"Po? Talaga po? Saan po tayo pupunta Lola?" sunod- sunod na tanong ko rito.

"Magsisimba tayo kaya bumangon ka na diyan."

"Huwag na lang po pala, ayaw ko pong sumama Lola." Ibinalik ko ang katawan ko sa pagkakahiga. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin dahil sa ginawa ko.

"Eh hindi naman po siya totoo Lola. Bakit ba kayo nagpa- paniwala sa kaniya? Wala naman kasi talagang Diyos."

"Ashley! Huwag mong sabihin 'yan!" saad nito.

"Sasama ka sa 'kin o ibabalik kita sa Maynila?" muling saad nito na may halong pananakot.

Ayaw ko na nang bumalik ro'n kila mama at papa. Para saan pa? Hindi naman pamilya ang turing nila sa 'kin. Kesyo wala raw akong silbi, bobo raw ako at palamunin lang.

Nasaan ka ba papa? Iniisip mo kaya ako? Alam mo kaya na may anak ka? Haists...

"Tss. oo na po Lola."

-

:)

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon