Chapter 4

2 0 0
                                        

Chapter 4:

"Ash!"

Rinig ko'ng tawag sa akin ng kaibigan ko, si Emjay.

"Mmh? Bakit?" kunot noo'ng tanong ko rito

"May assignment ka na sa Science?" hinihingal na tanong nito dahil sa pagtakbo palapit sa 'kin

"Oo, meron na." tugon ko rito at ibinigay na ng kusa ang notebook ko.

Bakit? D'yaan kami naging magkaibigan, sa pangongopya niya ng sagot ko. Magkaibigan nga ba?

"Thank you" saad nito at bumalik na sa kaibigan niya'ng iniwan niya kanina. Transferee lang si Emjay pero may kakilala na siya dahil matagal na niya itong kaibigan.

Tumango ako rito at bumalik na sa pila.

Nang mag ring ang bell, pumasok na kami sa loob ng school. Dumiretso lang ako sa room namin.

Pang third floor ang room namin kaya medyo nakakahingal. Ang init pa naman kanina sa labas kaya ito, pawis na pawis akong pumasok sa room.

"Lets call it a day, good day class!" our teacher greeted us, and we did the same.

"We will having a short quiz, get one- fourth sheet of paper."

"One- fourth po Ma'am?" tanong ng kaklase ko'ng lalaki. Napuno ng tawa ang buong classroom dahil sa tanong nito. Napakamot ang lalaki sa ulo niya ng ma- realize niya ang tanong niya.

"I will give you one minute to write your name" muling saad ng teacher namin.

Nang matapos kami'ng magsulat ng pangalan namin ay ibinigay na sa amin ang test paper.

"Ash!" mahina ngunit na-abot ng pandinig ko ang boses ng isang babae, si Emjay ulit.

"Pakopya," saad nito.

Binigay ko sa kanya ang papel ko'ng may sagot na. Hindi kami magka-tabi kaya pina-abot ko pa sa iba ang papel ko.

"Thank you" pagpapasalamat ni Emjay at nag-umpisa ng magsagot. Magsagot nga ba? o mangopya?

"Tapos na ba lahat? Kung tapos na, exchange paper with your seatmate" utos ng teacher namin na sinunod naman namin.

Natapos kami'ng mag check at mataas naman ang nakuha ko.

Lunch break na kaya nandito na kami sa canteen. Bumili lang ako ng egg sandwich, pop corn, at ice cream. Hindi na ako bumili ng tubig dahil may baon naman na ako.

"Bhe, ilan score mo?" tanong ni Emjay na hindi ko na ipinagtaka.

"Nakalimutan ko eh. Ikaw, ilan score mo?" tanong ko rito. Ang totoo hindi ko naman talaga nakalimutan. Ayaw ko lang na magalit siya sa 'kin pag nalaman niya na mataas ang score ko, compare sa kanya.

"2 lang bhe," malungkot na saad nito. Naaawa ako sa kanya pero she deserves it. Kinaibigan niya ko para lang may kakopyahan siya.

Mas okay pa na wala na lang akong kaibigan kaysa sa ginagamit lang ako.

"Ah... okay lang yan, bawi na lang next time" saad ko.

"Bhe, tara na!" tawag sa kanya ng kaibigan niya. Lumingon muna si Emjay sa akin at nagpaalam bago ako iniwan.

Iyan! 'yan na nga ba ang sinasabi ko.

Nandiyaan lang kapag may kailangan, pero kapag tapos na at nakuha na niya ang kailangan niya sa 'yo. Iiwan ka na lang basta sa ere.

-

:)

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon