PRELUDE
4 YEARS AGO
Gabi na at malamig ang buong paligid ngunit may mga estudyante pang nasaloob ng isang classroom at tila lahat sila ay maraming ginagawa.
"Kailangan natin matapos lahat ng ito para sa event natin bukas." Wika ng isang babae na nag gugupit ng mga papel.
"Bakit ba kasi saatin pa pinapagawa ang mga bagay na ito?" Wika ng lalake habang tumutulong sa kanyang mga kaklase.
"Sabi kasi ni teacher busy siya sa ating mga grades..." sagot ng babae sakanya.
"10 pm na pala! Papagalitan talaga ako ng nanay ko!" Nagulat ang lahat dahil pasigaw niya itong sinabi.
"Sige umuwi kana..." bigla naman ito tumayo at dali daling lumabas ng classroom para makauwi na.
Ilang minuto lang ang nakalilipas ay may narinig silang sumigaw.
"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!" Napatigil ang lahat dahil sa sigaw.
"Diba si Thea 'yon?" Tanong ng babae sa lahat ng kanyang mga kaklase.
"Hayaan mo na 'yon... baka nakakita lang 'yon ng daga kaya siya sumigaw. Diba takot siya sa daga." Sagot nito sa babae.
Ilang sandali lang ay may narinig silang gumugulong sa lapag.
"Aaahhhh! S-si Thea 'yon d-diba?" Nanginginig ang kanyang boses at makikita mo na pinagpapawisan siya.
Lahat sila ay napatingin kung saan tumungin ang kanilang kaklase.
Lahat sila ay natakot sa nakita nila, ang iba naman ay sumigaw at nabalot ng takot ang buong paligid dahil nakita nila ang ulo ni Thea na gumulong papasok ng kanilang classroom.
Bigla namang may pumasok sa loob ng kanilang classroom. Nakatakip ang mukha nito habang may hawak na kutsilyo na puro dugo. Dahan dahan ito naglakad at tumigil.
Ang isa sa mga estudyante ay naglabas ng cellphone at dali daling tumawag sa pulis pero bago pa niya ito matawagan ay bigla niyang nabagsak ang kanyang cellphone dahil hinagis ng misteryosong tao ang kutsilyo niyang hawak sa puso ng natawag ng pulis.
Kaagad nagsilabasan ang mga estudyante sa kabilang pinto ng classroom. Ang mga mababagal naman ay kaagad nito nasaksak. Ang harapan ng kanilang classroom ay nabahiran ng dugo.
Samantala habang natakbo ang sampung natitira ay may nakita silang mapagtataguan. Nagsamasama ang siyam pero ang isa ay tumakbo pababa at nagtago sa kabinet sa loob ng ibang classroom.
Tahimik siyang nakaupo doon habang nahinga ng mabilis.
Napaluha siya ng marinig ang sigawan ng kanyang mga kaklase na natitira. Maririnig mo sa sigaw nila ang sakit na nararamdaman nila.
Tinakpan niya ang kanyang bibig ng marinig niyang bumukas ang pinto ng classroom na kanyang pinagtataguan.
Sasarado na sana ang pinto nang bigla nalang siya humikbi dahil sa takot.
"Alam kong nandito kalang." Wika ng misteryosong tao.
Bigla nalang tumahimik ang paligid at ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto ng kabinet na kanyang pinagtataguan.
"Welcome to hell young lady." Biglang ngumiti ang misteryosong tao at kaagad na sinaksak ang babae.
"This school is DEADLY AS HELL" dugtong pa niya habang natawa ng malakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/37619783-288-k429204.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly As Hell [ON-HOLD]
TerrorSIMPLE LANG NAMAN ANG MECHANICS NG LARO.... UNA, TUMAKBO.... PANGALAWA, MAGTAGO.... AT PANGATLO, TUMAHIMIK.... KUNG HINDI MO YAN MAGAGAWA.....ISA LANG ANG IBIG SABIHIN N'YAN.... MAMAMATAY KA NA.....