Chapter 7

56 5 0
                                    

Magic's POV


Tumatakbo ako palayo, sinusundan ako ni Kuya Ystian, ni Luke at ng isa pang lalake, gabi na at umuulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang ayoko muna sila makasama. Basta gusto ko munang alisin tong lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako nagpupunta, basta natakbo lang ako ng natakbo. Hanggang sa bigla akong napunta sa isang kalsada, napatingin at napatigil ako sa parating na truck, biglang nanigas yung paa ko. Unti unting nalapit yung liwanag. Hanggang sa napasigaw at napapikit nalang ako... at unti unting tinanggap na eto na yung huli.



"Aaaaaaaaah!!" napabangon ako bigla *hingal*

Shet panaginip lang pala. Urghh!


*Time Check*

3:18AM. Sht! Ang aga pa!


Naramdaman ko ulit yung parehong takot sa puso ko nung gabing yon. Oo, nangyare talaga yon. August 4, 2010. Hindi ko pwedeng makalimutan yang gabing yan. Siguro mga 11 years old ako, but I was saved nung isa pang lalake na nahabol sakin nung time na yon, tinulak niya ako at pareho kaming nagdive papunta sa gilid. Halos katulad lang ng nangyare kahapon ano? Though kahapon hinila ako at niyakap ni Evo. I don't know the guy who saved me before, I don't know kung bakit niya din ako hinabol, at hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. All I know is, I loved him first before Luke. Though kahit makita ko siya ngayon di ko na maaalala yung mukha niya. Hahaha. At kahit siguro makita niya din ako ngayon hindi na niya ako maaalala.


So ayun, narealize ko na kalokohan lang ang mainlove sa taong ni hindi mo alam ang pangalan. 2 years later (mga 2012 na non) , napunta kay Luke yung atensyon ko. At palihim akong nainlove sa kababata ko. But last year nga (2014) nalaman namin na ikakasal kami sa isa't isa. So eto na kami ngayon -_-


I never felt to be loved by the one I love.

Maybe because... I don't deserve it.


Nagpunta nalang ako sa cr at naligo. Hindi ko alam anong nangyayare sa buhay ko. Eto ba ang kapalit ng pagiging mayaman? Nasakin lahat ng bagay pero yung mga mahal ko sa buhay hindi ko kasama? Eto kaya yung kapalit ng lahat ng to?

Sana pinapili nalang ako, kasi mas pipiliin ko yung mga mahal ko sa buhay kesa mga bagay na to. Pumatak yung mga luha habang nakatutok sa ulo ko yung shower.


At iniisip ko. Na sa oras na mahanap ko yung kaligayahan ko. Hindi hindi ko na bibitawan to. Like never!! :)


1 hour passed at nag ayos na ako para pumasok sa school. Nagpahatid nalang ako kay Kuya Roger.


After 15 mins nandito na kami sa school, halos wala pang tao. First time ko ata pumasok ng ganto kaaga sa tala ng buong buhay ko. Hahaha.


*Time Check*

6AM. Oh crap, 1 hour pa akong maghihintay. Pumunta nalang ako sa room, walang ka-taotao. Umupo na ako dun sa chair na malapit nga sa bintana.


*YAAAAWN*


Inaantok pa ata ako. Lintek kasi ang aga kong nagising eh! -_-

Dear MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon