sa pag haharap natin dalawa bigla rin tayo nawala sa piling ng isa't isa
na para bang tayong dalawa ay isang alikabok nawalay sa higop ng hangin at pinaghiwalay ng tadhana
hindi man natin napansin, ngunit ipinipilit ibalik ang mga hakbang, maibalik kalang sa akin
mahal kong sol, subalit mag kalayo ang ating tinig, magkaiba man ang kulay na isinisilaw natin sa mundo na ito
sana malaman mo na ikaw parin ang isinisigaw ng puso ko
mahal kong sol, ako si luna.
sol at luna.