CHAPTER 3

26 1 0
                                    

As usual no proof reading so expect the typographical and grammatical errors. Kapag nagsulat kasi ako agad ko siyang pinapublish kaya ganyan anw late update nanaman por todays bedyowww.



KINAUMAGAHAN NG magising siya ay wala na ang binata sa tabi niya kaya naman sinubukan niyang tumayo at dahan dahang naglakad papuntang paliguan ng kwarto.

Nararamdaman niya ang sakit ng pagkababae niya ngunit kaya na niyang tiisin ito dahil sinunod niya ang lahat ng binilin sakaniya ni doktora pati na rin ang pag inom ng gamot niya ay hindi kinalimutan ng binata.

Pumasok siya sa banyo saka naligo at tulad kagabi maligamgam ang pinangligo niya saka siya nagbabad sa bathtub at habang maliligo siya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto kasunod ng boses ng binata na hinahanap siya.

"I'm in your bathroom!" Sigaw niya sa binata kaya naman tumigil na ang binata sa pagtawag ng pangalan niya.

Pagkatapos niya maligo ay agad niyang tinuyo ang katawan niya saka isinuot ang bathrobe habang ang tuwalya na ginamit niya ay ipinaluppt niya sa buhok niya upang madali itong matuyo saka lumabas.

Nang makalabas nakita niya ang binata na naghihintay sakaniya sa kama mukha itong iritado na nag aalala at ng makita siya ay kaagad itong tumayo saka galit na nagsalita "What do you think you're doing?" Umagang umaga ngunit ang mukha nito ay iritado na.

"Uh naligo?" Inosenteng sagot niya rito na mas lalong nagpatrigger ng inis nito.

"Alam ko what i mean is bakit ka tumayo hindi ba masakit pa iyang baba mo?" Agad naman niyang naintindihan ang irita nito.

Nag aalala lang pala eh sus.

"Okay nako nakakalakad nako ng maayos oh kaya chill ka lang diyan"

"Okay? Really huh? Iika ika ka pa ngang maglakad eh kaya pano ka naging okay niyan?" Sagot nito ulit sakaniya ikinainis.

Kailangan niya pa bang banggitin yon?!

"Nyenyenye ewan ko sayo!" Pikon na sabi niya sa binata saka niya ito tinalikuran upang pumunta sa walking closet dahil nandoon na ang mga damit niyang binili ng binata para sakaniya.

Ilang minuto lang siyang nagbihis saka na lumabas at umupo papuntang kama ng may tuwalya parin sa buhok na agad ring napansin ng binata kaya ng ibigay nito ang pagkain na nasa tray at ng magsimula siyang kumain ay kinalas ng binata ang tuwalya sa buhok niya tsaka ito pinatuyo gamit ang towel at sinuklayan ito ng ilqng minuto.

Pagkatapos siya nitong suklayan ay umupo ito sa tabi niya saka inipit sa likod ng tenga niya ang mga takas na buhok na nqkaharang sa mukha at pagsubo niya ng kanin.

At nang matapos siya ay agad nitong kinuha ang tray at mga pinagkainan niya saka bumaba papuntang kusina upang ipahugas na ang mga plato. Talagang asikasong asikaso siya nito.

Nagulat siya ng pumasok ang binata sa kwarto ng may dalang laptop sa kamay saka ito ibinigay sakaniya na ipinagtaka niya.

Nakita siguro ng binata ang kaguluhan at pagtataka sa mukha niya kaya agad itong nagpaliwanag sakaniya "Diba sabi mo kagabi you want to work from here as my secretary? Then ito na ayan ang gagamitin mo at andyan na sa laptop na iyan ang gagawin mo ngayong araw" Paliwanag sakaniya nito sakaniya kaya tumango siya.

Oo nga pala sinabi niya iyon sa binata kagabi masyado na siyang kakakalimutin dahil siya mismo na nagsabi ay hindi na maalala ito.

Binuksan na niya ang laptop at habang hinihintay ito, humarap muna siya sa binata upang magtanong "Eh ikaw anong gagawin mo? Tutunganga? Diba boss ka ng kumpanya mo eh bakit wala kang ginagawa?" Nagtatakang tanong niya rito dahil kahapon pa ito hindi pumapasok sa kumpanya nito.

The Boss Series 1: Nykiel AgustusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon