Feeling ko walang update bukas dahil masakit puson ko at meron ako por todays bedyooo pero ita-try ko pa rin kung kaya ko, so don't yah worry! Anw late update dahil masakit ang puson ko at iniusad ko lang ang chap na 'to.
I'm still not good in writing some bs but i'm still learning and striving, and i hope you love my update today yan lang talaga ang kinaya ng utak ko na bs.
LUMIPAS ANG dalawang linggo na puro trabaho ang kanilang ginagawa at sa gabi ay magkatabi sila ng binata na matutulog nagmukha dikang live-in partner sa ginagawa nila ngunit hindi naman siya makaalis sa bahay ng binata dahil hindi pa siya tuluyang gunagaling at ngayong magaling na siya ay napagdesisyonan na niyang umalis at bumalik sa apartment na inupahan niya ng una niyang dating rito sa manila.
Sa loob rin ng dalawang linggo ay hindi pumasok ng kumpanya ang binata narito lamang ang binata sa bahay at nagta-trabaho sa kabilang kwarto at hindi rin siya nito ginagambala kapag kumakain siya na kapag may pinapagawa ito at nasakto pa sa pagkain niya ay ito na ang gagawa at papakainin na lamang siya.
Nasanay siya sa presensya at pag aalaga sakaniya ng binata mag simula nung una siyang dalhin rito ng binata at hanggang ngayon ay asikasong asikaso pa siya nito kahit na nga unti unti ng nawawala ang sakit ng pagkababae niya at gumagaling na.
Alam niya sa sarili niya na hahanap hanapin niya ang pag aalaga at presensya ng binata kapag umalis siya sa bahay nito.
At ngayon ang nakatakdang araw na aalis na siya sa bahay ng binata upang bumalik na sa nirentahan niyang apartment at dahil linggo ngayon ay walang trabaho kaya malaya siyang makakaalis ng bahay nito at papasok na lang sa kumpanya nito araw araw tutal alam na naman niya sa dalawang linggo ba naman na pag ta-trabaho niya rito.
Oo alam na niya na ang binata ang may ari sa Agustus' Group of Conpanies, isang malaking kumpanya na sikat na sikat na pati sa probinsya nila ay umabot ang pangalan ng kumpanya nito ngunit hindi naman niya inaasahan na ito talaga ang may-ari nito.
Kaya ng sabihin pa nito sakaniya ay hindi pa siya naniwala sapagkat ang akala niya ay coincidence lang at magkapareho lang ang apilyido nito sa sikat na sikat na kumpanyang iyon.
Naalala tuloy niya ang pinagsasasabi niya kay Nykiel ng tanungin niya ito ng kung ito ba ang may-ari ng Agustus' Group of Companies.
Nagaayos na lamang siya ng mga docunent sa laptop niya ng may maalala siya na nakalagay sa laptop niya kaya naman hinarap niya ang binata na kasalukuyang naghihibtay na matapos siya upang makakain na sila.
"Ikaw ba talaga ang may-ari ng Agustus' Group of Companies?" Tanong niya sa binata pag kaharap niya.
"Yeah why?"
"Weh? Hindi nga? Baka scam ka lang eh" Hindi pa naniniwalang sabi njya sa binata.
Hindi makapaniwalang tinignan siya ng binata dahil sa sinabi niya saka sumagot "Still skeptical? I already told you this yesterday right? So why ask me that?" Sagot nito sakaniya na agad naman niyang pinangatwiranan
"Malay ko ba diba. What if niloloko mo lang pala ako kasi Agustus rin ang apelyido mo eh Agustus din apelyido ng may ari ng kumpanyang yon hindi mo rin masasabi kahit na mabait ka sakin at inalagaan mo ko o kaya omygod!" Nanlalaking mata na sabi ko sakaniya kaya naman napaigtad ito sa kinakaupuan nito.
"What?!"
"Hindi kaya asawa mo yung may-ari non? Tapos matanda na at umuubo ubo tas malapit na mategi?" Napatakip pa ko sa bibig ko habang sinasabi ang mga iyon.
"What the hell are you talking about woman?!" Hala galit na!
"Eto naman sige hindi ko ipagsasabi sa iba basta hati tayo ah? Utak mo rin pala no wais men wais" Namamanghang sabi ko rito na mas ikinagalit nito.
BINABASA MO ANG
The Boss Series 1: Nykiel Agustus
Hayran KurguCONTENT WARNING MATURE CONTENT | R-18 | SPG Read Responsibly. SYNOPSIS: Nykiel Agustus- a man known as a ruthless businessman, his name booms around in business world and everyone knows him not just because of business but because too of his hand...