CHAPTER 6

27 1 0
                                    

I tried na matapos sana siya ng mga 9-11 p.m ganon para sana maaga but I can't talaga pang madaling araw talaga ang update ko eh jusko! Ayaw makisabay ng utak at daliri ko sa gusto ko eh kahit na gusto kong magsimula ng maaga wala pa rin eh dahil hindi nakikisama ang daliri ko sa pag ta-type at andaming excuses na ginagawa ng utak ko, sa totoo lang. And naisip ko rin na every other day na ang pag u-update ko kasi hindi ko na kaya ng everyday kasi nade-drain na ako lalo na malapit na naman ang f2f at marami pa akong mga schoolworks. Yes po estudyante ako halata naman diba? Kahit minsan hindi HAHAHAHAHAHA.

Oh alam niyo na expect niyo na grammatical at typographical errors kasi as usual hindi ako nag proof-read at dapat mga tej expected niyo na yon sa bawat update ko dahil alam kong minsan hindi ako makakapag lagay ng ganito ha? Yon lang salamat and anw here's my update for today.


Enjoy Reading!!❤




KASALUKUYANG GINAGAWA ni Alyvia ang report na pinapagawa sakaniya ng binata ng mag ring ang telepono sa gilid niya na ikinagulat niya.

"Hello this is Alyvia, Mr. Agustus' Secretary. Is there anything that I can help you with?" Sabi niya sa kabilang linya pagkasagot niya.

"This is the receptionist of the conpany, A named Miss Nylah is here and she's waiting here in the lobby. She also said that she has an important meeting with sir Agustus?" Sambit ng kabilang linya at saka niya kang napansin ang oras ng sabihin nitong andito na ang Nylah na ka meeting ng binata.

"Yes yes let her in please, sasalubungin ko siya rito. Thank you." Pagkasabi niya non ay agad niya ng binaba ang telepono at saka pinindot ang intercom sa gilid niya at nagsalita.

"Sir, Miss Nylah is already at the lobby and I think she's in the elevator now as i speak." Pagkasabi niya non ay agad na siyang lumabas upang salubungin ang hinihintay ng boss niya.

Pagkalabas niya ay naghintay lamang siya sa may tapat ng pinto ng opisina ng binata at ilang segundo lang ang lumipas ng dumating na rin ang receptionist at ang babaeng nagngangalang Nylah.

"Welcome Ma'am, Mr. Agustus is inside and he's waiting for you." Sabi niya sa dalagang nakakahalina ang ganda at kung pagmamasdan mo ito ng matagal ay para utong model o artista dahil bukod sa maganda ito ay sexy at maputi rin ang dalaga.

"Oh, thank you." Mahinhing sabi ng dalaga sakaniya. Jusko pati boses maganda, nahiya naman akong boses kargador.

Pinagbuksan niya ng pinto si Miss Nylah na agad namang pumasok at ng makita itp ng binata ay tumayo rin ito sa kinauupuan at saka sinalubong ang dalaga.

"I missed you! Oh my gosh ang tagal nating hindi nagkita you are always busy kasi and I noticed na you are nasa bahay these past few days ah." Conyo na sabi ni Miss Nylah sa binata at saka niyakap ito.

Parang may kumurot sa puso niya ng makita ang ngiti ng binata sa dalaga habang nakayakap rito. Great! Unang selos sa unang araw.

Hindi niya na kayang tignan ang dalawa kaya naman lumabas siya saka pumunta sa pantry na nasa same floor ng cubicle niya upang bigyan ng makakain ang dalawa, automatic na yon dahil yon ang sabi sakaniya ng binata.

Nang makakuha siya ng makakain at maiinom ng dalawa ay agad na rin siyang bumalik sa office ng binata upang ibigay ang mga pagkain na para sakanila.

Pagkapasok niya ay dumiretso agad siya sa may small circular na table dahil doon naguusap ang dalawa, naririnig niya pa ang tawanan ng dalawa habang papunta siya roon kaya hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos sa dalawa.

Nang makarating siya sa table ay agad niyang nilagay ang mga pagkain at inuming nasa tray niya ng hindi nag sasalita, ni hindi man niya tinignan ang dalawa at tinuon ang pansin sa paglalagay ng pagkain at inumin sa mesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boss Series 1: Nykiel AgustusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon