Chapter 6

21 1 0
                                    

Help
Kyla's POV

Maaga akong gumising para makapaghanda ng almusal namin ni Camile pagkatapos kong maghanda inayos kona muna yung mga pinamili namin kahapon bago ko siya gigisingin.

"Hey babygirl gising na. Nagluto si ate ng favorite mong pancake" bumangon na siya bababa na sana ako pero nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sakanya

"Amft! Atee bakit ang dilim po? ate asan kapo hindi po kita makita?" Para akong na estatwa sa sinabi niya. Paano paanong nangyari na

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang nagsisigaw si Camile "Ate.. Ate wala po talaga akong makita ate bakit ganon po?" Umiiyak na wika ni Camile. Natataranta nako hindi ko na alam gagawin. Tumawag ako ng ambulansya Pagkarating na pagkarating namin sa ospital agad siyang tinignan ng mga Doctor.

Habang nagiintay ako sa labas ng ER biglang dumating si Jess at tinanong ako kung anong nangyari sinabi ko lahat sakanya yung nangyari.

"Best magiging okay din lahat. Pag subok lang to okay? Gagaling din si Camile kakayanin niya yan okay." Tumango nalang ako. Ng lumabas yung Doctor halos halos manghina nako sa narinig ko.

"Kailangan na natin siyang maoperahan as soon as possible dahil kumakalat na yung tumor sa utak niya. Paghindi pa naagapan to maaari niya itong ikamatay. Okay na din siya sa ngayon at pwede na din po siyang ilipat ng kwarto niya pero kailangan pa po niyang mag stay rito para mag obserbahan pa. " ani ng doctor

"M-mag k-kano po ba aabutin" umiiyak na tanong ko.

"Aabutin ka ng mga 300 thousand" 300k san? san ako hahanap non "excuse me po pupuntahan ko lang po yung iba ko pang pasyente" ani ni doc bago umalis.

300 thousand san san ako hahanap nun kahit magtrabaho ako buong araw sa karendirya wala parin magagawa un lalo nat wala akong trabaho ngayon. "best" ani ni jess pero hindi ko siya pinansin.

Matapos ilipat ng kwarto si Camile nakiusap ako sa mga nurse kung maari bang patingnan muna nila si Cam para makahanap ng pera sinama kona sakin si jess kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko kung mag isa kang ako.

Pag karating ko Sa bahay kinuha ko lahat ng mga lalagyan ng mga naipon ko bawat box may nakalagay kung para san ito.

"Best pati ipon mo para sa pag aaral mo? Malapit na pasukan best dalawang linggo nalang. Wala kana bang ititira sa sarili mo?" Nagaalakang wika ni jess. Imbis na sagutin siya umiling nalanag ako.

Binilang ko lahat naipon ko at umabot lang ito ng 42 355 pesos. Wala pa sa kalahati. Nagulat ako sa inabot ni jess kaya napatingin ako sakanya nag lapat siya ng sampung libo kay napaangat ang tingin ko sa kanya mag tatanong na sana ako sa kanya pero nag salita siya.

"Pang shopping ko sana kaso wag na tulong nalang yan. Yaan mo best bukas magbebenta ako ng mga gamit na hindi ko na ginagamit para pangdagdag" aniya niya ng naka ngiti. Agad akong tumayo at niyakap siya at nag pasalamat." Kinalkal ko yung bag ko kung may pera pa don pero may umagaw ng pansin sakin sa loob ng bag ko. Yung calling card ni Mr. Parker.

----------
✌✌👌👌

Game of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon