Chapter 7

20 0 0
                                    

Deal with Mr. Parker

Kyla's POV

Ng makita ko yung card ni Mr. Parker biglang nag flashback sakin lahat ng sinabi niya nung binigyan niya sakin to. Tama eto lang paraan sana lang tulungan niya ko.

"Hey best kanino galing yan?" Aniya niya hindi ko pala nakwento sakanya yung nangyari. Binigay ko sa kanya yung card at ganon nalang ang pagkabigla ko ng bigla siyang sumigaw

"Omoooo! Best si Mr. Parker alam mobang sila ang isa sa pinaka mayaman sa buong bansa. Paano ka nagkaron nito? Hindi ba peke to?" Nagtatalon na sabi niya. Ano daw para akong nabingi sa sinabi niya

"Sino si Mr. Park? Pinakamayaman ?" Naguguluhang tanong ko sa kanya at ang gaga tango lang ang sinagot sakin.

"Wait kung mayaman siya matu-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng may kumatok ng napakalakas sa pinto

"Hoyyyyy! Kyla Jane lumabas ka harapin moko. Magbayad ka ng renta mo tatlong buwan kanang hindi nag babayad!" Fudge naka limutan ko

"Omo best" sabi ko kay Jess patay ang mahal pala ng upa namin dito 5 libo kasama na kasi lahat kuryente at tubig pati mga gamit.

Linabas ko si aling maria ng makita ko siya parang gusto ko ng pumasok ulit sa loob at mag tago nakakatakot.

"Aling Maria baka po pwedeng next month nalang po. Nasa ospital po kasi si Camile ngayon eh" nakatungong wika ko kay aling maria san pumayag please.

"Hindi kailangan ko din ng pera ngayon at natalo ako sa sugal kaya akina ang bayad kung hindi mo ibibigay papalayasin ko kaya" ani nya ng at nilahad ang palad.

"Pasensya na po Aling Maria wala po talaga akong maibibigay ngayon"

"Pasensya nalang din dahil bibigyan kita ng dalawang araw para lang mag impake" nakasigaw na sabi sakin ni aling maria bago umalis sa harap ko.

"Airgggghhhh! Bakit ngayon paaaa!" Sigaw ko

Lumapit sakin si Jess at niyakap ako "hasshhh wag ka ng umiyak best gagawa tayo ng paraan habang wala ka pang nahahanap na matutuluyan sa bahay ka muna. Ang isipin natin ngayon si camile" tama si Camile.

Hiniram ko yung Cp ni Jess at tinawagan ung numerong nasa card at sinabi ng sekretsartya umano ni mr. Parker na makikipag kita umano si Mr. Parker sakin mamayang alastrea ng hapon. Umuwi na din si Camile dahil tumawag yung mommy niya.

~Starbucks~

Andito nako sa lugar kung saan sinabi sakin ng sekretarya ni Mr. Parker at iniintay nalamang itong dumating. Pagkalipas ng ilang minuto dumating na si Mr. Parker habang papasok siya naka titig lamang ako dito. Masyadong gwapo si Mr. Parker at kung yayayain niya kong maging kabet niya papayag ako ay letse anong bang iniisip ko.

"Kanina kapa iha?" Tanong sakin ni Mr. Parker ngunit umiling nalamang ako. Umorder si Mr. Parker ng para samin dalawa tatanggi na dapat ako ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. Haysss

"So iha ano bang sasabihin mo?" Tanong niya aysss ano bang sasabihin ko nakakahiya pero para kay Camile.

"Hindi napo ako mahihiya Sir pero pwede po bang huminhi ng tulong? " Nakayukong sabi ko pero nung sinilip ko kung anong reaksyon ni Mr. Parker nagulat ako sa pag ngisi niya sakin.

"Anong klaseng tulong iha?"

"Mapagamot po yung kapatid ko." Aniya ko ng nakayuko parin

"Sige tutulungan kita sa isang kondisyon"

Naguluhan man ako oero sinagot ko parin yung tanong niya"kahit ano po gagawin ko lahat mapaopera lang yung kapatid ko" determinadong wika ko.

"Kahit ano?" Tanong sakin ni Mr. Parker kay tumango nalamang ako." Gusto kong akitin mo yung anak ko at paibigin mo siya. Sa simpleng salita baguhin mo siya. Kapalit non ay ipapagamot ko ang kapatid mo pag aaralin kita at ang kapatid mo pati na rin ang titirhan nyo sasagutin ko. Bibigyan din kita ng budget every month" nakangiting wika ni Mr. Parker nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr. Parker

"Seryoso po?" Wala sa sariling wika ko kay Mr. Parker tumango naman ito

"Walang rule basta gawin mo lang yun after that tapos na ano deal?" Ewan ko kung anong trip ni Mr. Parker pero desperada nako.

"Deal" determinadong sabi ko

"So ako nang bahala sa lahat Ms. Perez. Mauuna nako may meeting pako." Pagkaalis niya nagtungo na din ako sa hospital.

-------

😀😀😀😏

Game of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon