Guest's POV
Masayang naglilibot sila HaNaMi, madami silang nabili, makakita ng mga magagandang damit, alas at sapatos. Pero ang hindi nila alam, andun din sila Alex at ang kanyang kaibigan na nakatambay lang sa Starbucks at nag-uusap.
"Ang g*g* mo kase bro ehh, may fiance ka na, may iba't ibang babae ka pa tapos may sinaktan kang isang tao na mahalaga pala sayo" naiinis na sabi ni Hiro.
"Tama si Hiro dude, like we've said, tigilan mo na kase yan noon pa!. Tignan mo ngayon, bumalik na yun fiance mo, naghahabol ka ngayon kay HaNaMi, alam na nang lahat na mangloloko ka kaya walang isang babae na magtitiwala sayo" sabi naman ni Lord Prince habang umiinom ng starbucks.
"That's what we called KARMA guys. We warn you Alex but you didn't listen" bitter na pagkasabi ni Kyzer kay Alex. Nanahimik nalang ito at pinagsisisihan nya ang sarili dahil sa mga pinagkakagawa nya. "Ohh Sila HaNaMi yun ahh!" gulat na pagkasabi ni Hiro.
"Oo nga, kasama nya sila Zoe, Lyn at Tiff pero teka lang, hindi nya ata kasama yun Boyfriend ni HaNaMi ahh" sabi ni Kyzer na nakatingin lang kay Zoe. Napatingin bigla si Alex kila HaNaMi na parang gusto nyang talagang puntahan para yakapin at magmamakaawa sakanya na makipagbalikan sakanya pero hindi kinaya ang konsensya.
Yumuko nalang ito at pinagmumura nya ang sarili, napansin iyon ni Hiro "Dude, ganyan nalang ba?" seryoso nyan tanong kay Alex, napatingin si Alex kay Hiro at nagtataka kung ano ang ibig sabihin.
"Alex, kung mahal mo talaga. . .gagawa at gagawa ka nang paraan para maibalik mo sya sa piling mo" payo ni Hiro kay Alex, parang nabigyan ng pag-asa si Alex nang marinig nya ang payo ni Hiro pero hindi pala ". . .kung ayaw nya talaga, you have to let go and move on. Start a new life, wag kang mag sta-stay sa nakaraan mo, masasaktan ka lang lalo" payo naman ni Lord Prince.
Nanahimik nalang ito at ininom na nya ang cafe na'y kaninang mainit, bigla lumamig. "Libot libot muna tayo" yaya ni Kyzer sakanila, tumayo ang dalawa at aakmang aalis na sana nang marealize nila na hindi tumayo si Alex
"Alex, sasama or tatambay nalang?" tanong ni Kyzer "Sige, mauna muna kayo, uubusin ko lang to. Tetext ko nalang kayo kung nasan na kayo" sabi ni Alex, tumango nalang at nagsign ng bye para umalis na sila.
Habang ang mga lalake ay naglilibot, ang mga babae naman ay papunta na sa Timezone para maglaro.
HaNaMi's POV
"Girls!! Anong lalaruin natin?" Tanong ni Zoe saamin, nasa Timezone na kase kami, tumitingin sa paligid kung anong pwede namin laruin "Girls, karaoke muna tayo, tapos Just Dance ok?" Suggest ni Tiff "Ehhh dala nyo ba yun card? May load ba yun card?" Tanong ni Lyn kay Tiff.
Binuksan ni Tiff yun bag nya para kunin ata yun card "Andito yun card at may load pa to AT may extra money ako para iload ito" proud na sabi ni Tiff "kung ganun, edi tara na!!! Habang kokonti pa yun tao dito" sabi ni Zoe saamin, tumango nalang kami at agad kami pumunta sa karaoke room, 3 room lang kase meron dito ehh.
Nagmadali silang pumasok sa loob, hindi ko alam kung bakit? Pero for sure marami din nag kakaraoke nun panahon na wala ako dito. "Ayan!! Waahhh grabe ang init!!!!" Angal ni Zoe.
Totoo,mainit nga sa loob. Maliit lang ito na parang panglimahan or anim na tao lang ang magkakasya dito sa loob. May salamin naman na makikita mo yun kalsada at mga bahay sa malalayo, walang aircon sa loob, kapag sinarado mo yun pinto hindi mo maririnig ang ingay sa labas, sarado talaga kaya mainit sa loob.
"Ok!! Sino unang kakanta???" Tanong ni Lyn "Ako muna!!!" Masigla na pagkasabi ni Zoe at agad tumayo para kunin yun mic kay Lyn "Maganda kase boses ko kaya kailangan ito marinig ni HaNaMi" Mayabang na pagkasabi ni Zoe, sila Lyn at Tiff ay na pa-eeww sa sinabi nya samantala ako ay nakanga-nga lang.
Ang pinili nyan kanta ay "Who Says" medyo na patawa nga kami ehhh, habang kumakanta sya, sumasayaw sya na parang baliw lang, minsan nga nag wawalling nga ito at kungyari umiiyak habang kumakanta. Para nga syang baliw na nakawala sa mental ehh.
"Hahahahaha!!!! Grabe ka Zoe Hahahaha!!! Kaya ayaw ka namin pakantahin ehh hahahahaha" sabi ni Lyn kay Zoe na tumawa ng sobra. "Grabe naman kayo!!! Entertainment kaya tawag dun" tampo na sabi ni Zoe saamin, medyo natatawa pa kami ng konti hanggang mawala na yun tawa.
"Ok! Sino naman yun susunod na kakanta?" Tanong ko kila Tiff at Lyn "Ako!!!!" sabay na sabi ni Tiff at ni Lyn, nagsitinginan yun dalawa "Ako mauuna!!" sabay din pagkasabi nila Lyn na parang naiinis na " Ako sabi ehh!!!!" galit na sabi nilang dalawa na parang mag aaway na
"Ohhh tama na!!! chill lang, makakanta din naman kayo ehh" sabi ko sakanila na nakakalma na din, ang ginawa nila ay nagbato bato pik nalang para malaman kung sino mauuna.
Ang nauna si Tiff, sumunod si Lyn at ang huli ay ako kahit ayaw ko. Ang kinanta ni Tiff ay Breakeven, sa totoo lang, maganda yun boses ni tiff parang singer. Ngayon ko ulit maririnig ang boses nya, dati kase lagi kaming nagkakantahan sa bahay kapag naglilinis kami or nagluluto. Kaya minsan naiinis sila Zoe at Lyn kapag naririnig nilang kumakanta kami.
"Edi ikaw na Tiff, ikaw na may maganda boses kami na wala" naiingit na sabi ni Zoe. Tumawa nalang kami, at kumanta na kami ni Lyn. Pag katapis namin kumanta, lumabas na kami kase kailangan na talaga namin ng fresh air, "waah!! Fresh air!" sabi namin.
"Hi girls" bati saamin ng 3 lalaki, una hindi ko sila nakilala pero nang tinignan ko nang mabuti, sila Kyzer, Hiro at Lord, mga kaibigan ni Alex. "Oy! Musta na kayo?" Pagkamusta ko sakanila.
"Hi HaNaMi, ito. . .still hot parin" mayabang na pagkasabi ni Kyzer. . .bagay na bagay talaga sila ni Zoe, pareho silang feeling-gwapo/maganda. "Umayos ka nga Kyzer" utos ni Hiro kay Kyzer. "Grabe ang hangin naman dito" pangasar ni Zoe.
"Malamang may aircon, duh!" Fireback ni Kyzer kaya si Zoe ang nainis, ang sabi lang nya "Whatever!" Nagtawanan lang kami at inaya namin silang maglaro sa timezone, pumayag naman sila.
Marami kaming nilaro, ang saya nga ehh. Pero inaamin ko, hinahanap ko parin sya pero 90% na wala na akong nararamdaman sakanya, kaya ko lang hinahanap sya kase gusto ko ipamuka na nagbago na ako, yun lang.
Maya-maya, may tumawag saakin "HaNaMi!"
-------------------------------------------------------
It's been a long day~
Without you Author~
And I tell them all about it
When I see your update
Sorry guys T_T kung matagal ako hindi nakapag update dahil sa activities ng school. Pero sana magustohan ninyo.
~MisaHaNa~
BINABASA MO ANG
A Bitter Girl (ON GOING)
RomanceMapayapa ang college life ko kasama ang mga kaibigan at kong ano pa . . . pero . . . dumating ang araw na makikilala ko pala ang President na handsome sa buhay ko!!! . . . let's read the story. . .
