It's already 8pm at nandito ako naglalakad sa kanto patungong subdivison. Or should I say sa bahay namin.
Actually hinatid ako ni Blaze kasi gabi na raw, eh ayaw ko pang umuwi dahil may binili ako sa convenience store which is malapit lang rin sa subdivision namin.
So, naglalakad ako ngayon, nakakapagtaka lang dahil halos walang tao dito, at madilim pa.l
Ang creepy tuloy... Bakit kaya bigla naging ghost town dito??
Eh tuwing gabi, maliwanag naman dito at maraming tao.
Pero ngayon , kakaiba eh..
Malapit na ako lumiko papuntang subdivison nang may papalapit na tatlong lalaki papunta......
sakin??!
Naka itim sila at nakatakip ang mukha.
"Positive! Siya nga yan!" sabi nung nasa gitna at lumapit yung dalawang lalaki sakin at hinawakan yung magkabilang braso ko para mapigilan nila ako sa pagpalag.
"Ano bang Positive ang pinagsasabi niyo?! Teka nga, Sino ba kayo?!" sigaw ko sa kanila.
"Huwag ka nang mag maang maangan pa Slate! alam namin na malaki ang maitutulong mo sa organisasyon namin" sabi nung pandak.
And what the heck?! Slate?
"Hoy Pandak! hindi Slate pangalan ko!" sabi ko sa pandak na pangit
"Huwag ka na sabi magkunwari eh!" sabi nung kapre at sinuntok ako.
Hah! Di niya alam na expert ako sa Gulo. Tae niya!
Nakailag ako at sinuntok siya sa mukha. But shit, yung pandak sinipa ako sa tiyan kaya napahiga ako sa daan dahil sa sakit..
Agad naman akong bumangon at sinuntok ng malakas yung lalamunan ng kapre kaya nahimatay siya.
Dalawa na lang ang tatalunin ko, pero Shit! May patalim yung pandak.
Kailangan kong mag-ingat..
Dahan dahan akong lumapit sa kanila
"Hahaha, napatumba mo nga yung kapre, pero di ka pa rin makakatakas!" sabi nung isang pangit.
Sinipa ko yung tuhod ng pandak at natumba siya..
nabitawan niya ang patalim at kinuha ko.
Pero, shit.
May malamig na matigas na nakabaon sa bandang balikat ko.
Shit! Kinapa ko at..
Balisong..
Sinaksak ako ng gagong pangit.
Dumudugo na yung balikat ko..
shit, nahihilo na rin ako, pero di ako tumigil ,
pinagsusuntok ko pa rin sila hanggang...
SHIT naman! sa tagiliran ko sinaksak rin..
Ang hapdi na..
at sigurado ako, malalim yung pagkakasaksak sakin.
Wala na talaga akong lakas,
pinagsusuntok nila ako..
patuloy lang sila sa pananakit sakin.
Sana may dumating..
Sana may tumulong sakin..
Hindi ako ganitong klase ng tao, pero shit lang,
Ikakamatay ko pag walang tumulong sakin..
ang sakit na ng panga ko,
ng braso at magkabilang tagiliran ko,buong katawan ko, siguro namamaga na dahil sa panununtok..
Napapikit ako at pilit na tiniis yung sakit ng panununtok at pananakit nila sakin..
pero, nakakapagtaka, bigla silang tumigil..
pagdilat ko nakita ko yung lalaking nakaputi na leather jacket.
Kitang kita yung kulay puti kahit madilim.
Yung lalaki, tinulungan niya ako,
Nakita ko, ginulpi niya yung mga nanakit sakin at nakita ko rin na halos magkadurog durog na yung mukha nila..
pero, parang lumalabo yung paningin ko,
napatumba ng lalaki yung mga pangit at tsaka tumingin sakin..
Papalapit siya sakin pero hindi ko talaga sya makilala.
Lumalabo na kasi yung paningin ko at tingin ko mahih----
*BLACKOUT*
- -
Sino Nagandahan sa story ko?!
Vote lang k?!
Ang hindi mag Vote..
Sasakalin ko!!! de joke lang.
XD
BINABASA MO ANG
My Unknown Gangster Hero
ActionSi Siliane ay isang taong walang pakialam sa buhay ng iba, simple lang siya, huwag na huwag mo siyang kausapin dahil iba siya pag nagalit. Tanggap niya kung ano man siya ngayon, Tanggap niya na simple lang siyang namumuhay, ngunit ang kanyang simple...