Nagising ako na puro puti yung paligid..
Teka? patay na ba ako? hala..
paano na si lola...
Bumangon ako at kumirot yung bandang balikat at tagiliran ko.
Bakit nakaramdam ako ng sakit?
Teka?? Hindi pa ako patay!!!!
hindi pa ako patay!!!
"Hindi pa ako patay!! hahaha!"
"Apo? bakit ka sumisigaw?? hindi ka naman talaga patay eh, nako bata ka, pinag-alala mo ako" Nagulat naman ako kay lola, nasa gilid biglang bumangon,
nasa hospital pala ako.
Teka? Sino yung ---
"La, alam mo po ba kung sino yung nagligtas sakin?"
"Ah, di ko nakita eh. tinawagan niya lang ako at pagdating ko dito wala na siya. nagtanong rin ako sa mga nurse pero hindi rin nila kilala" paliwanag ni Lola
"Ah ganon po ba, Sige po" sabat ko.
Sino kaya yun? Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya?
Tsk, hayaan na nga..
kung dumating man siya ulit, edi magpapasalamat ako.
--
2 weeks akong di nakapasok sa school dahil sa nangyari sakin.
buti na lang at ngayong month yung performance, kung hindi,
Bokya ako.
Kaya eto ako ngayon, hindi makakain ng maayos na lunch dahil sa kakadadak ni Maxie. (si Maxie sabi niya na friend raw siya ni Siliane XD ang kulit!)
Actually, Im together with Maxie's friends.
Si Jabby siya yung SC Vice Pres. napaka serious pagdating sa obligations pero pag barkada..
napakaingay tulad ni Maxie
Si Renzel, Muse ng basketball team dito. Siya yung sikat na maganda at patok sa mga err, "boys" raw.
at si Antonette Second Place sa rankings ng Top Notchers sa kabuuan ng school. samantalang ako, hindi pa..
kasi nga transeferee lang ako dito sa Hutcher Academy diba.
at kilala niyo ba kung sino yung first placer as Top Notcher??
edi yung halimaw. Hanep, halimaw nga siya.
So anyway, kilala niyo na ang, err, "barkada" raw namin.
Hindi naman ako sanay na mayroong mga kaibigan raw eh.
Kasi sa dati kong school ayaw nilang makipagkaibigan sakin.
Sino ba naman ang magtatangkang kaibiganin ang pinaka rebeldeng estudyante sa eskwelahan.Oo, rebelde ako, pero not in a way na nagda.drugs ako.
rebelde in a way na...
nakikipagbasag-ulo.
Yan yung hilig ko eh, Makipag-away.
Subukan mo lang na kontrahin ako at sisiguraduhin kong hindi ka na makakakilos pa.
"Hey Siliane? Are you listening?" tanong ni Renzel sakin. yung basketball team muse.
"What? Is it important?" pagtataray ko. Bakit ba! eh hindi ako sanay sa presence nila eh.
BINABASA MO ANG
My Unknown Gangster Hero
ActionSi Siliane ay isang taong walang pakialam sa buhay ng iba, simple lang siya, huwag na huwag mo siyang kausapin dahil iba siya pag nagalit. Tanggap niya kung ano man siya ngayon, Tanggap niya na simple lang siyang namumuhay, ngunit ang kanyang simple...