Nakikita mo ba ang iyong paligid?
Naririrnig mo ba ang iyong paligid?
Bakit wala kang masabi tungkol sa iyong paligid?
Ah oo nga pala
Isa ka nga palang bulag, bingi at pipi
Meron kang mga mata na nakakakita
Ng mga katotohanang halatang halata
At ng maga katiwaliang hindi maikaila
Ngunit pilit mo itong ipinikit
Upang walakang makita
Meron kang mga tengang nakakarinig
Ng mga taong may maliliit na tinig
At ang kanilang makatwirang mga hinaing
Ngunit pilit mo itong tinakpan
Upang wala kang marinig
Meron kang dilang nakakapagsalita
Ng mga tinig na napakinggan
At mga katoohanang nakita
Ngunit pilit ming tinikom ang iyong bibig
Upang wala kang masabi
Hindi ka talaga bulag
Hindi ka talaga bingi
At hindi ka talaga pipi
Pero dahil sa kawalan mo ng aksyon
Paran ka na ring ganoon
BINABASA MO ANG
Mushroom Thoughts (Kabute Thoughts)
PoetryPoems that randomly pop in my head. Parang kabute lang. Majority ay nakasulat sa English pero marami ding nakasulat din sa Filipino WARNING: >POOR WORD CHOICE >LITTLE TO NO EDIT >SOME ENTRIES ARE WRITTEN ON THE SPOT