Chapter 1

25 2 0
                                    

Elizabeth POV

"Liz! Ano pa bang hinihintay mo!? Pasko!? Hala at tayo na malalate pa tayo!!" Malakas na sigaw ng kaibigang kong si Kat.

Tss'

"Oo na!!" Malakas na sigaw ko rin habang nagmamadaling bumaba sa aking kwarto.

"Tsk! Alas siete na oh!" Malakas na singhal ni Kat habang nakahawak pa sa kanyang bewang.

"Oo na nga!! Eto na!" Inis na sabi ko pa habang dinadalian ko sa aking pagsisipilyo.

...

"Tara na!" Sabi ko pa at nagmadali naman kaming nagbisikleta papunta sa aming paaralan.

Ilang minuto din ang lumipas at narating na namin ang gate ng school namin. Hindi gaano kalayo ang St. Celestine High kasi meron kaming nirerentahang bahay malapit dito.

Nang pagkarating namin sa tapat ng gate ay biglang nagsimulang sumara ito ngunit sa bagal ng pagsara ay nakaabot pa kami.

"Hoop!" Sabay naming sambit nang muntikan nang magsara ito ng tuluyan.

"Muntikan na tayong masarhan ng gate ah" nakangiting sambit ko habang sinulyap ko ang gate na nakasara na.

"Ang tagal mo kasing magising! Kesahodang nagpukpok pako' ng kawali sa tapat ng kwarto mo para lang magising ka!" Mahinang sigaw niya habang kami ay nagtatakbo paakyat sa aming classroom.

"Sorry na hehe" malambing na sambit ko pa nang makarating kami sa classroom pero sa awa ng diyos ay wala pang teachers.

Nakita namin ang aming mga kaklase na animong pinag-aaralan nila ang aming kabuoan.

Bakit ba? Hahaha

Naupo kami sa bakanteng upuan sa likod at nilapag namin ang aming bag sa tabi ng upuan namin.

Knock* Knock*

"Good morning! Class!" Maligayang pagbungad ng aming teacher.

"Good morning!" sabay sabay naming pagbati.

"Hello and Welcome to St. Celestine High! My name is Clara and I will be your adviser this school year!" Nakangiti nya pang sambit habang pumapalakpak.

Clap* Clap* Clap*

If your wondering why we call it St. Celestine High is because we're still at High school. Bale ang School nato ay nagcoconsist of Secondary to High schoolers and of course college students. Itong parte ng campus ay 1/3 palang ng buong University kaya hindi mo mapagkakamalang cheap.

Mahal kaya tuition dito!

Pagkatapos mag introduce ng aming advisor ay sunod sunod kaming nagpakilala sa buong klase.

"H-Hi! My n-name's Katherine, K-Kat for short.. My hobby i-is sorry ehem* --- one of my hobby is drawing and painting" mahinang sabi ni Kat na halatang nahihiya pa.

'Eh kung ako nga ay hiyang hiya din na parang maiihe.'

Clap* Clap* Clap*

"Okay, Very classy" Sabi pa ni Ma'am Clara at tsaka bumaling saken!

"---Umm what about you?" Nakangiting baling kaya naman tumingin den ang mga kaklase ko kaya naman dahan dahan akong tumayo at pilit na ngumite!

Feeling ko tuloy mahuhulog ang panty ko sa kaba.

"Ahh H-Hi my name is Elizabeth, Liz for Short. That's it, I don't have any hobby" pilit kong pinakalma ang sarili ko at tsaka ngumiti ng bahagya bago pa man ako maupo.

Strangers AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon