Chapter 2

17 2 0
                                    


Kat's POV:

"May ex ka!?" gulat niyang usal habang mukhang tangang nakanganga pa.

"Oo" tipid kong sabi at nangunot lang ang mukha niya.

"Bakit hindi mo sinasabi saken?" Taas kilay na tanong niya habang nakacross arms pa.

"E hindi ka naman nagtatanong at tsaka ayoko nga" sarkatisko kong sabi at tsaka napauna sa paglalakad.

"---Hoy! Yah!! Hintayin mo ko!" Sigaw nya pa habang patakbong pumunta sa gawi ko.

~Flashback~

Nakipagkita kami ng boyfriend ko sa isang park sa Laguna. Ilang saglit lang din ay dumating na siya at nagpark.

Nanginginig ako habang binubuksan ko ang kaniyang sasakyan. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang aking boyfriend at naramdaman ko ang tensyon sa aming dalawa.

Doon ko' naramdaman na merong mali sa kanya-sa amin.

Isang saglit pa lang ay isa isang nagpaunahang pumatak ang mga butil ng ulan mula sa aming sinasakyan.

"I think we should break up" biglang usal niya na pinanlakihan pa ng aking mga mata.

Ilang minuto din ako natulala bago ko pa man maiproseso ang nangyayari ngayon.

'Bakit?' Gusto ko itong sabihin sa kanya ngunit naunahan ako ng takot at nginig sa buong katawan. Naramdaman ko ang naumumuong luha sa mga mata ko.

"I don't think our relationship is working anymore.." malamig na usal niya pa at doon na tuluyang tumulo ang luhang namumuo kanina sa aking mga mata.

"K-Kyle.. What? What do you mean?.. Why do you want to break up with me?" Mahinahong sabi ko pa sakanya dahilan upang mapatahik siya.

"Did I do something wrong?, Did I made you angry? Is it because of me?!" This time I think na pasigaw ang pagtanong ko sa kanya.

"N-no" mahinahong paliwang niya pa ngunit

"What did I do to deserve this? Iiwanan mo nalang b-ba ako ng wala man lang dahilan?" Galit na tanong ko sa kanya habang siya ay wala lang kibo.

"K-Kyle?" Pigil na inis na sabi ko pa pero hindi na niya ko' sinagot pa. Hinablot ko ang aking bag at bahagyang tumingin pa sa kanya ngunit nakatungo lang siya. Lumabas na ako sa kaniyang sasakyan habang naulan ng malakas.

Wala na akong pake kahit magkasakit pa ko' basta ang alam ko lang ay gusto kong mapagisa.

Tulalang inusong ko ang naglalakasang ulan. Kahit papaano ay ngayon ko lang nagustuhan ang ganitong panahon.

Nandito ako ngayon sa park malapit sa lawa. Doon ko pinagmasdan ng mapayapa ang malakas na ulan.

Parang tangang tumingala pa ako sa ulap at pinagmasdan ang mga patak ng ulan.

Nakakatawa lang na itong ulan na'to ang unang makakasaksi sa huling relasyong papasukan ko'

'Ansakit pala.. ansakit sakit' gustong gusto kong magwala at sumigaw

"Ayoko na!!! " Malakas na sigaw ko pa.

Hindi ko namalayang na nauwi ko ang aking sarili sa bahay ng pamilya ko.

"O diyos ko por pabor, Alexandria iha bakit ka ganiyan at nagpaulan ka?" Alalang bungad pa sakin ni manang at doon na nanghina ang aking mga tuhod kasabay sa pagdilim ng aking mga mata.

~End of Flashback~

"Tell me about your ex naman" nakangisi nya pang sabi.

"Ano ba Liz! Ang kulet mo! sabi ng ayoko diba?" Inis na sabi ko pa.

Strangers AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon