Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G

Vien's Pov:
Hindi ko maiwasang mapangiti, dahil sa wakas ay may isang bagay na tiyak ko ay siyang lubusang makatutulong sa amin. Oo nga't hindi pa namin nakikita ang laman ng yearbook ni Clara na aming nakuha, natitiyak ko naman na naglalaman ito ng kaniyang litrato at ilang impormasyon na alam kong makatutulong sa amin.

Ang yearbook ng taong 2002 ay kasalukuyang nakalagay sa bag ko, upang hindi ito mawala at kung kinakailangan man itong itago pansamantala o panghabang-buhay man, ako na ang siyang bahalang magtago nito sa isang lugar na ako lamang ang siyang makakaalam.

Ang lahat ng makakalap namin na impormasyon, ano man ang mga bagay na iyon ay nasisiguro ko na walang makakaalam kung saan ang paglalagyan ko nito dahil kapag natapos ang lahat ng ito, marapat na kalimutan na ang mga nangyari.

Kung ako ang magtatago ng lahat ng impormasyon, si Mira ay siyang gagamit naman ng kaniyang impluwensiya sa lahat ng transaksiyon o pangyayari na hindi magagamit ang pakikiusap.

Sa aming dalawa ni Mira siya ang mas maimpluwensiya kaya, siya na ang bahalang kumausap sa librarian na bilhin ang yearbook na ito. Hindi lingid sa aming kaalaman na hindi ito pinagbibili, ngunit wala kaming ibang maisip na paraan kundi ang gawin ito. Mas mabuti na bilhin kaysa nakawin namin at kami pa ang magkasala.

"You know what? It's funny to think that I'm ready to do anything to help Clara, just because of this curiosity of mine." Napailing na lamang ako sa sinabi ni Mira.

Tama nga naman siya, dahil lamang sa simpleng kyuryusidad ay ginagawa namin ang mga bagay na hindi gagawin ng isang normal na estudyante na hangad ay isang normal na buhay lamang. Kagaya ko, hindi ko alam kung bakit pero maliban sa kyuryusidad, masyado kong ninanais na tulungan ang kaluluwang nagpapakita sa akin. Hindi pa kami nagkaka-usap, wala akong alam tungkol sa kaniya, ni pangalan niya ay wala akong ideya kung ano.

"Oh, a Cafe," napapikit na lamang ako sa sinabi ni Mira bago ako nito tuluyang hilain papasok sa Cafe na ito.

Nagpalinga-linga muna ito bago makahanap ng isang bakanteng lamesa na may tatlong upuan. Bigla kong naalala si Mikay at bigla rin akong nakaramdaman ng tila pagkakasala dahil hindi namin sinama at higit sa lahat dahil walang alam si Mikay sa ginagawa namin ngayon.

"Hey Vien, what do you want? Do you want some cappu-" maraming pang sinabi si Mira pero ang tanging ginawa ko lamang ay tumango ng tumango.

Wala akong alam sa mga menu sa mga Cafe dahil sapat na sa akin ang 3in1, bahala na si Mira sa papainom niya sa akin tutal siya naman ang magbabayad.

Hindi rin nagtagal at tinawag na ang pangalan ni Mira at ganon na lamang ang pagbigay niya sa akin ng panandaliang sama ng tingin dahil hinayaan ko siya na bitbitin ang kape na inorder niya.

"I just ordered what I want so, how was it?"

Wala akong alam kung ano itong inorder niya, ayaw ko sanang uminom pero baka magwala na siya kapag ginawa ko iyon kaya iinom na lang ako.

Pagkalapat na pagkalapat pa lang ng bibig ko sa stainless straw na lagi atang dala ni Mira natikman ko na kaagad ang pait ng kaniyang hinaharap. Bago pa ako mapangiwi at bago pa malungkot ang kaibigan ko dahil sa hindi ko nagustuhan ang lasa ng kape ay deretso ko na kaagad itong nilunok.

Fake Words ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon