17

7 2 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Hindi ko lubusang ma-isip kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko ng masaksihan ng aking mga mata ang magkapatid na Ybanez.

Hindi ko na alam pa kung sino ba talaga ang siyang marapat ko na paniwalaann. Si Clara na mayroong kakaibang ngisi sa kaniyang mga labi at aking aaminin na hindi ko nagustuhan ang paraan ng kaniyang pagngisi.

Habang si Mercedes na hindi ko alam kung ano ang siyang tama na maramdaman ko dahil sa kawalan ng emosyon sa kaniyang mukha.

Nililito ako ng magkapatid na ito, ang tanging alam ko lamang ay ang isa sa kanila ang siyang maaaring dahilan ng pagkamatay ng isa.

Naging hinuha ko ito noong mga nakaraang araw, aking napagtanto na kaya sa tuwing makikita ko sila sa isang lugar ay tila iba ang siyang ipinapahiwatig ng ihip ng hangin. Hanggang sa mapagtanto ko na lamang na maaring isa nga sa kanila ang mamamatay tao.

Wala pa akong pruweba sa mga hinuha ko, wala rin akong sapat na ebidensiya para sa mga ito. Ito ay purong haka-haka ko lamang na may tiyansa na malaki ang posibilidad.

Hindi ko pa ito naipagbibigay alam kina Mira at Kirk sa kadahilanang my aktibidad kami ngayon at huling araw na namin dito.

Hindi ko makita ang mga kaibigan ko dahil siguro hindi kami pare-pareho ng strand, kung kaya'y lumapit na lamang ako sa mga kaklase ko at ginaya ang ginagawa nila, ang pumorma ng isang bilog.

Dahil sa hindi na naman ako nakinig sa aming mga gagawin ngayon, kaya wala na naman akong kaide-ideya sa akktibidad na aming gagawin.

Nang masigurado na ni ma'am Perez na lahat ay nasa ayos na at naka-porma na ng bilog ay nagtungo na ito sa harapan sa may gitnang bahagi at kinuha ang isang wireless na microphone.

Doon ko rin nakita ang dalawa kong kaibigan na magkasama na kumakaway sa akin na tanging ngiti na lamang ang aking naiganti. Magka-klase pala ang dalawa, mukhang hindi ko lamang alam.

"Good morning everyone, especially to our dear students. You are task to form a circle with your classmates, so that it would be easy for us to do this activity. Mindi if I ask? What do you think our activity for this day woudl be?"

Hindi ko alam, wala akong ideya sa gustong ipagwa ni ma'am.

"Yes? Name, strand and section." aniya ni ma'am nang magtaas ng kaniyang kamay ang isang estudyante.

"Vincent Alex Madrid, HUMSS-B. I think the activity for today ma'am is you need to give something to someone that symbolizes a thing. Since we are formed in a circle, therefore I concluded that this activity will be done by section."

"Well, as I expected from a HUMSS student, so Mr. Madrid was somehow correct. Since it was your last day today, we decided that you need to give someone a token that symbolizes something.  That token will be pebbles. Since we ran out of ribbons from the last activity, the staffs decided to just use a token that is unique."

Marami ang siyang nagsipaghula sa kung bakit maliit na bato ang siyang ibibigay daw namin sa kung kanino.  Maging ako ay nagkaroon ng kyuryusidad sa aking isipan ngunit ipinagpatuloy ko lamang ang pagtikom ko sa aking bibig.

Fake Words ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon