12

7 3 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Araw ng lunes at araw din ng aming pag-alis. Nakahanda na ang lahat ng aming gamit at magtutungo na lamang kami sa aming paaralan. Pinagbawalan ang lahat na magdala ng anumang sasakyan sa camping site, upang walang sinuman ang tumakas o umalis ng walang paalam. Kaya lahat kami ay marapat na sumakay sa school bus na inihanda.

Mabuti rin at walang nagpaparamdam na sinumang mga kaluluwa sa amin ngayon. Tila balato na sa amin nina Mercedes at Clara ang araw na ito. Hindi sila nagpakita o nagparamdam man lamang simula kahapon. Maaring bukas o sa susunod na mga araw ay magparamdam sila upang lituhin na naman kami sa kanilang dalawa.

Hindi ko rin naman sila masisi, si Mercedes ang tanging alam niya lamang ay ang wangis ng pumatay sa kaniya at hindi ang pangalan nito. Habang si Clara naman ay taliwas ang mga pinagsasabi kay Mira. Hindi ko alam kung nais ba nilang tulungan namin sila o pinaglalaruan lamang nila kami. Oo, aaminin ko marami kaming mga hinuha at haka-haka, pero lahat ng iyon ay walang kasiguraduhan. Mahahanap lamang namin ang katotohanan sa sarili namin na paraan.

Nag-commute na lamang kaming tatlo nina Mira at Mikay upang mapabilis ang pagtungo namin sa paaralan. Tumingin ako sa aking orasan at napaka-aga pa nga ata namin dahil kakaunti pa lamang ang mga estudyante na naririto. Purong mga guro at ibang staffs ang halos makita ko.

Nagpalinga-linga ako sa aking paligid dahil hindi matanaw ng aking mga mata kung nasaan na ang dalawa. Pagkababa na pagkababa namin ay inilabas lamang nila ang aming mga gamit mula sa taxi at iniwan na ako rito, hindi ko na alam kung saan sila nagtungo.

Napailing na lamang ako at sinimulang bitbitin ang mga maleta na aming dala patungo sa isang bench at doon ko muna naisipang ipunin ang aming mga gamit. Wala rin akong nakikitang school bus kaya mukhang napaaga talaga kami. Tumunog ang cellphone ko dahilan upang mapatigil muna ako at tingan kung anong laman ng mensahe.

Mikay:
Vien pumunta lang kami sa room ng club ko, may kinukuha lang. 😘

Muli ay napailing na lamang ako sa naging mensahe ni Mikay. Maleta ko na lamang ang kulang.

Bago pa ako tuluyang humakbang patungo sa gate at kunin ang aking maleta ay nabunggo ang aking noo sa isang matigas na bagay. Inangat ko ang aking tingin at doon ko nakita ang mukha ni Dylan na kay amo-amo.

"Dinala ko na ang maleta mo, para hindi ka na rin bumalik pa."

Tumango-tango ako ngunit nangunot din ang noo ng maguluhan kung bakit niya alam na sa akin ang maleta. Tila napansin iyon ni Dylan kaya sumagot siya.

"May initial ng V, madalas mo rin gamitin tuwing may ganitong event kaya alam ko na sayo 'to."

"Salamat."

Binigyan lamang ako ni Dylan ng isang maliit na ngiti bago tuluyang maupo malapit sa aming mga gamit. Siguro kung hindi ko hinalikan si Dylan noong mga oras na 'yon tatabi ako sa kaniya ngayon, pero hindi. Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa kaya hindi na rin ako nagbalak pa. Umupo ako sa kabilang bench at hinayaang balutin kami ng katahimikan, na ang tanging maririnig lamang ay ang pag-ihip ng hangin.

"Vien" bumilis ang tibok ng aking puso ng marinig ko ang kaniyang tinig.

Tumingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Magsasalita na sana siyang muli ng dumating na ang aming school bus maging ganon din sina Mira at Mikay.

Fake Words ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon