Chapter 21

5.7K 102 1
                                    

Napakurap ako nang kumatok ulit si Phoebian sa pinto ng kwarto niya. Umayos ako ng upo. Sinalubong ko siya ng ngiti nang tuluyan na siyang makapasok. May dala siyang pagkain na nasa tray. Puno yung dala niya, sa tingin ko ay hindi sakto sa aming dalawa kaya nagtanong ako kung para kanino yung pagkain pero ang sabi niya ay para sa akin daw, yung sa kanya ay kukunin pa niya sa kusina.

"I just get my food, wait for me."

Tumango ako sa paalala niya.

Lumipat ako dito sa library niya dahil mas malakas ang internet connection. Kahit anong gusto kong panuorin sa Facebook ay napapanuod. Mga video clips lang naman, mas gusto ko sa Facebook dahil ang daming nakakatawa. Nanuubos ang oras ko dito. Pagdating ni Phoebian saka ko lang binaba ang phone ko.

"What are you watching?" Nagtataka niyang tanong.

"Ah, sa Facebook lang. Hinihintay kasi kita."

Binaba niya ang tray niya. Wala na siyang suot pa na apron. Kanina, unang pagpasok niya nang dalhin yung tray ko ay may suot siyang puting apron.

"Let's dig in."

Ngumiti ako at excited na kumain. Una kong hiniwa ang steak. Masarap magluto si Phoebian. Hanga talaga ako kapag siya ang kumikilos sa kusina dahil para siyang expert nito. Nakakamangha siya dahil minsan lang ang lalaking nagiging prime minister sa kusina. Yung iba, marunong ngang magluto pero tamad naman.

"Do you like it?"

Tumango ulit ako. I don't doubt it. Masarap siya.

"Masarap."

"I added some wine on that steak para mas malasa. I just saw it from TikTok. I never cook this before but I'm flattered that you like it."

"Totoo naman na masarap. Siguro kapag magpractice ka pang magluto nito magiging perfect na'to." Nakangiti kong sagot.

Ngumisi siya. "You mean to say hindi talaga masarap?"

Nanlaki ang mga mata ko. Mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Hindi, totoo talaga na masarap. Pero magluto ka pa para mahasa yung skills mo sa kusina."

Hindi ko sinabing magaling din ako magluto. Hindi ako marunong magluto ng mga engrandeng dishes pero kapag magtry ako ay matututo ako. Madali lang naman magluto kung kompleto yung ingredients.

Ngumiti si Phoebian at tumango na tila naintindihan ang sinabi ko. Nagpatuloy na siya sa pagkain. Nangalahati lang ako sa kanin ko dahil ko maubos. Binigyan niya din kasi ako ng snacks bago maglunch at hindi pa yun natutunaw sa tiyan ko.

Narealize ko saglit na mahilig palang manuod ng TikTok si Phoebian. Hindi ko maiwasan na hindi mapailing habang nakangiti ng palihim. Hindi nakatingin sakin si Phoebian kaya malaya ko siyang napapanuod. Kahit palagi siyang busy sa trabaho niya bilang CEO sa kompanya niya ay hindi ko maiwasang hindi maappreciate yung pagkumusta sakin. Kahit saan ako magpunta ay kailangan alam niya.

Yung side ni Phoebian na yun ay yung pinakagusto ko. Ayoko yung nakakunot ang noo niya, ayokong nagagalit siya kahit kanino. Gusto ko ay tratuhin niya yung mga tao niya na pantay lang. Kasi kapag demonyo ang tingin sa kanya ng mga tao ay baka masira ang reputasyon niya.

"I make a deal with Phinneas later. You wanna come with me at Abuela's?"

Paalis na kami sa penthouse niya. Gusto ko sanang sa bahay nalang ako dahil gusto kong magising ng maaga bukas. Gusto ko lang magising ng maaga para maumpisahan na ang plano ko sa susunod na araw sa pagpasok ko sa trabaho.

"Ikaw nalang. Ihatid mo nalang ako sa apartment. Inaantok na kasi ako."

Ngumiti siya sakin at dahan-dahang tumango. Zinip niya ang suot na Saint Laurent jacket na binili niya kahapon. Kahapon ko pa siya gustong tanungin kung bakit siya bili ng bili ng damit e ang dami pa naman do'n sa walk in closet niya. Pero naisip ko din na fashion icon din ang boyfriend ko kaya mas pinatilihin ko nalang na tumahimik kaysa mag-abog sa kanya.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon