Reeve's (Point Of View)
Flashback...
"Babypie, Matulog na kayo ni Thaddeus ako na ang magbabantay kay Thalliana." Sabi ko kaya Thalia at kinitilan ko siya ng halik sa labi.
"Are you sure?"
"Yes."
"Sige. Thaddeus, Anak, Let's sleep na." Pagyaya niya kay Thaddeus habang nakahiga ito sa tabi ng kambal niya.
"Dito lang ako, Mama." Sabi niya habang nakapikit ang dalawang mata.
"Thaddeus!" Pagsuway ko sa kaniya.
May pagka sweet si Thaddeus pagdating kay Thalliana pero minsan pasaway din siya.
"Dito lang ako matutulog sa tabi ni Thalli e!" Nakabusangot niyang sabi at pinadyak-padyak ang dalawang paa.
"Thaddeus, Ano ba. Huwag maging matigas ang ulo."
Tumayo naman siya sa kama at yumakap kay Thalia. Tumingin naman sa akin si Thalia at pilit niya akong nginitian.
Haysst. I'm sure nagtatampo na naman sa akin si Thaddeus.
Nang makalabas na sila kinapa ko ang noo ni Thalliana at napabuntong-hininga ako dahil mainit pa din siya.
Hindi ako nakapunta sa Gang's Pageant nila dahil mas inuna ko ang obligasyon ko kay Thalliana. May lagnat kasi siya kaya kailangan niya ako ngayon. She's a daddy's girl.
Masakitin si Thalliana kaya siya mahina. Pinapakain namin si Thalia ng gulay at hindi namin siya minsan ini-expose sa maraming tao.
Sa kwarto muna namin ni Thalia papatulugin si Thaddeus. Baka hindi kasi makatulog si Thalliana dahil sa kalikutan niya. Iisang kwarto lang sila ni Thalliana pero may sarili silang kama.
"Daddy..."
Napatingin ako kay Thalliana nang tawagin niya ako.
"Yes, Baby?" Hinaplos ko ang buhok niya.
"I love you po." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"I love you too, Baby." Sabi ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo niya.
Kapag nagkakasakit si Thalliana nagpapalambing 'yan sa akin.
Hindi din ako favoritism pagdating sa kambal. Kaya lang si Thalliana ang tinututukan ko ng atensyon dahil nga mahina siya at kailangan niya ako. Pareho ko silang mahal at isa pa Mama's boy naman si Thaddeus kaya nahati kami ni Thalia sa dalawa.
Pinatulog ko muli si Thalliana at bago ako tumabi ng higa sa kaniya. Hininaan ko din muna ang aircon.
--
Naalimpungatan ako ng gising at napatingin ako sa suot kong wrist watch at pasado 8: 34 pm na nang gabi. Kinusot ko ang dalawang mata ko at bumangon.
Tumingin ako kay Thalliana na himbing ang tulog. Kinapa ko ang noo niya at napangiti ako dahil hindi na gano'n ka init. I'm sure, tumalab na ang gamot na ininom niya kanina pagkatapos niyang kumain.
BINABASA MO ANG
Ang Basagulerang Reyna Ng Mga Gangster Book 3 (UNEDITED)
Teen FictionWala ng mahihiling pa si Danni. Masayang-masaya siya dahil sa wakas nabigyan na rin ng hustiya ang pagkamatay ng kaniyang Kuya. Pero, 'yong inaakala nilang patay ay buhay pala. Nang malaman ni Danni na buhay ang Kuya niya, pakiramdam niya siya na an...