Chapter 28 (Trauma)

225 53 1
                                    

Kyries's (Point Of View)

"Manong bayad po."

Matapos kong makapagbayad sa taxi driver mabilis akong lumabas. Nandito na ako ngayon sa NAIA para nga pigilan ang pag-alis ni Nathan. Sabi sa akin ni Margaux 8:00 am ang flight niya na late lang ako ng 15 minutes. Pagkapasok ko sa loob hinarangan ako ng dalawang security guard.

"Miss, bawal kang pumasok." Sabi sa akin ng isang guard.

"Papasukin niyo ako, Manong please...May hahabulin lang akong passenger sa loob.

Ibig kong makawala sa kanila pero ang higpit ng pagkakahawak nila sa braso ko.

"Naku, Miss, hindi talaga pwede at isa pa kanina pa nakaalis ang mga pasahero around 8:00 am."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng isa pang security guard.Hinang-hina akong tumalikod sa kanilang dalawa. Pagdating ko sa waiting area umupo ako at humagulhol ng iyak.

Kasalanan ko 'to! Kung hindi ko lang sana pinairal ang galit ko kay Nathan sana hanggang ngayon nakasama ko siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil no'ng una hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag niya sobrang pinag-iisahan ko talagang nakipag break ako sa kaniya.

Pero, Bakit kailangan mangyari 'to? Bakit kailangan pang magkahiwalay kami at magkasiraan kong may dahilan naman pala kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon?

Ang sakit sa part na pinaubaya ko ang sarili ko sa iba ni hindi ko man lang inaalam 'yong nararamdaman ng taong masasaktan ko. I hope, Nathan's give me a chance kasi sa aming dalawa siya ang mas nasaktan, siya 'yong naghirap at siya 'yong nagpalaya.

Pinunasan ko ang mga luha ko nang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa loob ng bulsa ko at tiningnan kong sino ang nagpadala ng mensahe. Pero bigla naman napakunot ang noo ko dahil unregistered number at dahil na curious kung sino ito binuksan ko ang message.

From: +639**********
"Pumunta ka sa lugar na 'to [ Insert Address ] kung gusto mo pang makitang buhay ang boyfriend mo. I will give you a 30 minutes to come at kung hindi ka agad makarating makikita mo na lang ang bangkay ng lalaking pinakamamahal mo."

Bigla naman akong natulos sa kinauupuan ko dahil sa nabasa kong mensahe. Nahulog ang cellphone ko dahil sa panginginig ng dalawang kamay ko.

Ano ang ibig sabihin niya? Hindi nakaalis si Nathan? Kinidnap ba siya? Kailangan kong makahingi ng tulong kina Danni. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag vibrate ulit ito. Pinulot ko ito at binasa ulit ang pinadalang mensahe.

From: +639**********
"Huwag kang magpapapasama ng kung sino kung ayaw mong pati ikaw ay papatayin namin."

Namin? Ibig sabihin marami sila? Gusto kong baliwalain ang message na 'to. Pero wala namang masama kung puntahan ko ang address na ibinigay niya sa akin. Nakakapagtaka rin kasi kung saan niya nakuha ang phone number ko.

Tumayo na ako at inayos ko muna ang sarili ko.
---
Pagdating ko sa address na binigay sa akin sobrang napakatahimik ng paligid. Nasa isang park ako at wala akong nakikitang mga tao. Nilibot ko ang buong paningin ko at bigla akong nataranta nang may tumakip sa dalawang mata ko.

"Sino ka?!" Galit na sigaw ko dito.

May humila naman ng isang kamay ko at pinalakad ako.

Sino ba ang mga 'to?

"Saan niyo ako dadalhin? Please, maawa kayo pakawalan niyo na ako!" Nagpupumiglas na sigaw ko sa kanila.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kami naglakad pero mayamaya lang pinatigil nila ako sa paglalakad. Hinintay ko ang susunod na mangyayari pero wala naman kaya naisipan kong alisin na ang telang tinakip sa dalawang mata ko.

Ang Basagulerang Reyna Ng Mga Gangster Book 3 (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon