Blast's (Point Of View)
Natalo man namin ang Copper Gangster pero hanggang ngayon wala pa din kaming lead kung sinong Gang Leader ang tinutukoy ni Tabachoy na nag-utos sa kanila. Tapos idagdag mo pa 'yong mystery girl na bumaril sa kaniya na hindi namin alam kung sino kahit na nagpa imbestiga na kami sa private investigator.
Ilang araw din nagtampo sa amin si Danni dahil hindi namin siya sinama. Paano namin siya isasama kung masama ang katawan niya. Napapansin ko nga kahit ilang beses na bugbog sarado ang katawan ni Danni walang na damage sa mga buto niya ang tibay talaga.
Ngayon ang Archery Battle nila. Hindi pa gano'n kagaling ang katawan ni Danni pero pinilit niya pa rin na makalaro dahil kapag hindi siya nakasali baka bumaba siya sa ranking baka tuluyan na maging number 1 sa list si Xia if ever siya ang manalo. Alam namin na hindi siya magpapatalo si Danni talaga ang target ng babaeng iyon.
Hindi nagbabase sa ranking pero 'yan ang patunay kung sino ang magaling, malakas at matibay. Sa huling round ng labanan ang Gangster King ang pipili ng magiging Gangster Queen. Every battle naman may na di-disqualified kaya kunti na lang ang sumasalang.
Kailangan nilang sumabak sa ganitong labanan para malaman ang ability nila at kong karapat-dapat ba sila sa posisyon ng Gangster Queen. Hindi naman kasi pwede na basta-basta lang pipili ang Gangster King, paano kung mahina at lampa pala ang mapili niya e, 'di pagsisisihan niya pa sa huli kaya may purpose ang mga laban nila.
We are proud to Danni kasi kahit pagod na siya sa labanan na 'to hindi niya pa din pinapapabayaan ang study niya. Hindi siya sumusuko kasi alam niya na nandito lang kami na sumusuporta sa kaniya.
Ang Archery Battle na 'to ay hindi paunahan kundi pabilisan at pagalingan. May time na ibibigay sa kanila. Nakabase kasi sa time kung ilang minuto o oras kaya dapat mabilis at magaling ka sa pagpapana. Sasakay sila sa kabayo dahil isa iyan sa mechanics ng laban na 'to.
Mabuti na lang nang bata pa si Danni tinuruan siya ni Cross magpana kaya hindi na kami nahirapan pa na turuan siya. Magaling pa nga sa amin si Danni.
Nagsisimula na ang Archery Battle pang lima pa sasalang si Danni. Nakaupo kami ngayon sa bleacher at ang mga ugok tutok na tutok sa panonood. Sobrang dami rin kasi nanonood mabuti na lang malawak at malapad ang Battle Field na 'to. Iyon lang sana hindi magka stampede paglabas namin.
"Love, uminom ka muna."
Napatingin ako sa hawak ni Via na bottle water kinuha ko ito at nagpasalamat sa kaniya.
Oo nga pala. Napapansin naming mga ugok na parang hindi nagpapansinan sina Via at Summer. Tinanong namin silang dalawa pero sabi nila okay lang daw sila. Pero, may mali talaga hindi ko na pinilit pa si Via dahil baka iyan pa ang magiging dahilan ng pag-aaway namin.
Dumikit ako sa kaniya at inakbayan siya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko na ikinangiti ko.
"Ehem..Ginawa niyo pang dating place ang battle field ha,"
Narinig ko naman ang sinabi ni Jayzen na ikinalingon ko sa kaniya.
"Sus, inggit ka lang, Mr. Single."
Natawa naman ang mga ugok sa sinabi ko.
"Ako maiinggit (Turo sa sarili) in your dreams."
Napailing na lang ako nang benelatan ako ng ugok.
"Nagmamayabang na iyan kasi may Kalliera Chun." Rinig kong sabi ni Autumn.
Tinukso naman namin siya na ikinapula ng pisngi niya.
"Inlalabu na si Mr. Single. Hahaha." Natatawang sabi ni Taroy habang kumakain ng Popcorn as always.
BINABASA MO ANG
Ang Basagulerang Reyna Ng Mga Gangster Book 3 (UNEDITED)
Genç KurguWala ng mahihiling pa si Danni. Masayang-masaya siya dahil sa wakas nabigyan na rin ng hustiya ang pagkamatay ng kaniyang Kuya. Pero, 'yong inaakala nilang patay ay buhay pala. Nang malaman ni Danni na buhay ang Kuya niya, pakiramdam niya siya na an...