Chapter 1

1 0 0
                                    

Chapter 1

Naghihiyawan ang mga preso tuwing nadadaanan ko sila. Pakiramdam ko ay masaya sila para sa akin. At masaya ang puso ko dahil doon.

I didn't told my friends about this. Balak ko silang surpresahin sa paglaya ko. Nae-excite akong makita ang reaksiyon nila mamaya.

Muling binuksan ng korte ang kaso ko. 10 years ago, I was convicted guilty of murder. Totoong nakapatay ako ng tao at maging ako ay hindi ko matanggap iyon sa sarili ko. Inamin ko ang krimeng nagawa dahil nagu-guilty talaga ako.

Whatever it is that pushed me into stabbing him multiple times, it won't change the fact that I killed him. I was a murderer.

Mabuti na lang dahil linggo linggo akong binibisita ng mga kaibigan, updated pa rin ako sa whereabout at happenings nila in life. That includes their new addresses.

"Kuya, sa Saint Venilles po." Ani ko sa driver.

He looks like he got scared because of what I was wearing. I bet he thinks that I might not be able to pay for the fare.

"Look, kuya, I know that my clothes were a bit rugged and are definitely not clean, and I can't blame you either if you are judging me right now pero I can pay po." I said to assure him.

Napapahiya siyang ngumiti. "Hindi naman sa gano'n, ineng. Pero no offense, may gusto lang akong i-itanong sa iyo kung ayos lang."

"Ano ho iyon?"

"T-Tumakas ka ba?" Kinakabahang wika niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Nako, hindi po! Kalalaya ko nga lang po." Pag-amin ko.

Mukhang nagulat siya. "Gano'n po ba? Pasensya na ho at naninigurado lang. Mahirap nang mapa-trouble, maliliit pa ang mga anak ko." Paghingi niya na pasensya habang napapakamot sa ulo.

I envy his kids. Buti pa siya hindi niya kayang abandunahin ang kaniyang mga anak. It's naturally nothing special because it is what it should be, but it is to me. I was longing for this to happen to me. Sadly, it never did.

"Masuwerte ho sila sa inyo." Usal ko.

Napangiti siya. "Hindi hamak ho na mas maswerte ako na mayroon akong sila. Sa kanila ako kumukuha ng lakas. Wala ako ngayon kung wala rin sila."

Hindi ako sumagot. Napangiti ako sa sinabi niya. Sana lahat ng magulang ganito.

"Ang totoo ho ay pangalawang buhay ko na ho ito." Panimula niya sa kwento. "Naaksidente ho ako dati. Isang shootout sa isang kilalang mall. Isa ako sa mga nabaril. Nag-flatline na nga raw ho ako, e. Pero para bang narinig ko 'yung pag-iyak ng mag-ina ko. Nasaktan talaga ako no'n. Sabi ko kay Lord, one more chance pa. Gusto ko pang mabuhay kako. Tapos 'yon, nagising ako." Nakangiti niyang sambit.

"It wasn't really your time to go, kuya." Komento ko.

Tumango siya. "Nagpapasalamat nga ho ako nang lubos sa Panginoon dahil diyan. Ipinangako ko na hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin para mabuhay pa."

I can somehow relate to him. This was like my second chance to live. I was fortunate to be given a new hope. Kasi noon... wala na halos natirang pag-asa sa akin. Mabuti na lamang at may dumating na bagong panimula para sa akin. That way, I used it as a sign to start over again.

It never crossed my mind that my friends are living in an exclusive subdivision. Which means, hindi kami pinapasok ng guard. Hindi nila ako kilala at walang bilin sa kanila ang mga kaibigan ko na may inaasahang bisita.

I do understand... But how will it become a surprise if I should've told them na pupunta ako? Thanks manong guard for ending my playful imagination. Thank you po talaga.

Flash of WarmthWhere stories live. Discover now