This is from the real book.:) hope you enjoy😘
Vote&comment please?❤️🎉
------------------------------------------
Rebecca's POV.
Ang pagibig ay parang pagtawid sa kalsada. Maraming maaring mangyari na babago sa takbo ng Buhay mo, ng taong mahal mo at ng mga taong nasa palagid mo. Bawat hakbang ay Isang pagsugal na maaring hindi ka na makarating sa kabilang Dulo pag asang sa lugar na pupuntahan mo'y may isang taong matagal nang naghihintay sa'yo. Mahirap salungatin ang gulong ng tadhana. Mahirap kalabanin ang agos ng kapalaran. MAHIRAP."Actually 'teh, ang saklap naman ng pangyayari dito sa ginagawa mong istorya, Okay na, eh! Bakit pa kasi kailagang masagasaan ng jeep si Ryan?" Itinaas ni Jackie 'yung kamay niya habang nagkokomento sa ginawang kong story.
"Nasa level na ako ng pagkakilig tapos biglang ganun?
"Ganun talaga yun. Hindi naman totoo ang happy ending in real life."
"Ayun nga Becca, eh. Totoong buhay. Eh kwento to diba? Gawin mong namang mala-fairy tale ang dating.'yung May and they lived happily ever after, diba?" Nakangiti siya habang ini-imagine ang mga maaring sa istorya nina Maria at Ryan.
"Akin na nga yan."
"sandali lang, Becca. Sagutin mo nga ako. Yung totoo ha. Puso sa puso, haggang ngayon ba'y bitter ka pa rin at Hindi pa Nakaka-move on sa ex-boyfriend mo Kaya nagiging hawing ang mga istoryang isinusulat mo sa love life mo?"
Nakatigin lang siya sakin habang hawak-Hawak ang folder kung saan nakasulat ang istoryang pinagbasehan ko ng aking nakaraan at ng aking kinahinatnan.
Muli akong bumalik sa nakaraan.'yung mismong araw na iyon, eksaktong 2:35 ng hapon, March 19,2007, sa harap ng Isang kainan sa mall na malapit sa school Namin. Sa mismong araw, Oras at lugar na iyon natapos ang lahat. Natapos ang pag-iibigan namin ni Nikko.
THROWBACK
"Becca, may dapat kang malaman." Hawak ni Nikko 'yung kamay ko. Alam kong nararamdaman niya yung panginginig nito. Sa mga sandaling iyon, naramdaman ako ng takot at kaba. Sa mga salitang binitawan niya, may Hindi magandang mangyayari.
"Ano yun, Nikko?"
"Hindi mo deserve ang tulad ko." Malungkot ang mga mata niya, halos maluha-luha narin. Pilit siyang umiiwas sa titig ko.
"Ano ba yang sinasabi mo? okay naman tayo diba?" Pinipilit kong tapusin ang pagusap namin at magkunwari na lang na hindi nangyari ang lahat ng Ito.
"May ibang na akong mahal."
BINABASA MO ANG
Para sa hopeless romantic
RandomIsang lihim na umiibig. Isang umaasang babalikan isang naghahangad na mahalin. Isang natakot nang umibig muli. Isang nagsusumikap na makalimot. At Isang nag-aasam ng maligayang pay-iibigan. ------------