Part 2

640 9 2
                                    

Part 2 of chapter 1.☺️

Hope you enjoy. Vote and comment😊👌🏼 thanks.

-------------------------------------------

Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Hindi ako makasagot. Para bang napipi ako sa pagkakataong iyon. Sana bingi nalang ako para hinidi ko narinig sa kanya ang mga salitang iyon.

Sana bulag na lang ako para hindi ko makita ang mga sarili kong luhaan, hindi makapagsalita at hindi makalaban.

"I'm sorry,Becca."

Nakayuko siya halatang umiiwas sa mga tingin ko. Sa mga mata kong nalulunod sa mga luhang dulot ang mga nangyayari. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ang pagbagsak ng mga kamay ko mula sa mahigpit niyang hawak.

"Wala naman tayong problema diba? Bakit ka naman ganyan?"

Pilit kong kinuha ang kamay niya pabalik. Umaasang hindi totoo ang lahat. Pero pilit naman niya itong iniiwasaan.

Tumigin siya sa akin, kitang-kita ko sa mga mata niya na may mga luhang nangingilid doon.Alam kong nasasaktan din siya. Alam kong mas malalim pang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

"Becca, bingi ka ba?! May mahal na nga akong iba!" Tumaas na'yung boses niya. Yung mga luhang nangingilid sa mga mata niya ay biglang nawala. Randam ko na rin na ang galit sa puso niya.

Hindi ko naintindihan ang mga nangyayari. Nagulat ako natakot ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi na siya yung Nikko na nakilala ko. Ibang-iba na siya.

--------------------------
Part 3 soon.🙌🏼

Vote and comment. Thank youuuu.💟

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa hopeless romanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon