The Day Walker
Written by Angelo
Chapter 16
Mia's POV
-3 weeks later-
Ang bilis lang lumipas ng mga araw.
Hindi ko namamalayan. Sa sobrang bilis lumipas ng mga araw ay nakakalimutan ko na pati ang mga petsa.
Parang nakakawalang gana pumasok sa school. Akala ko magiging okay na ang lahat. Akala ko hindi na ako babalik sa pagiging nobody, sa pagiging kakatawanan ng ibang tao, sa pagiging loner. Akala ko kahit paano makakagraduate ako nang walang problema.
Pero mas lalong lumala pala. Parang ma e-expel pa yata ako nito. Buong buhay ko ay hindi pa ako naka apak ng Principal's office.
Ngayon palang....
Pero bago ko ma kwento ang lahat, balikan muna natin ang gabing hindi ko makakalimutan at ang gabing pinagmulan ng lahat! Kapag na aalala ko'to ay hinihiling ko nalang na burahin sa alala ko ang mga pangyayareng 'yon!
--Flashback 3 weeks ago—
--Restaurant—
"Cal? Uhmm.. Parang mamahaling restaurant naman 'tong pinuntahan natin. Okay lang ba talaga na—"
"sus, ano ka ba. Okay lang 'yan. let's go." Singit niya at inalalayan niya na akong makapasok sa loob.
Pag pasok palang namin ay sinalubong agad kami ng mga tingin ng ibang mga tao dito. Na conscious agad ako. Parang feeling ko over dress ako dito, pero keri lang dahil halos lahat dito naka dress din. Parang class A talaga ang lugar dahil wala kang makikita dito na naka t-shirt lang or polo.
YOU ARE READING
The Day Walker
FantasyMia was a simple girl who came from well known family back from the old days. Growing up on a town were myths and folk stories are told, life was never easy for her. She's a quite type, loner, always been bullied, and wanted to separate herself from...