Prinsesa

123 14 7
                                    



The Day Walker

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The Day Walker

Written by Angelo



Chapter 11





Mia's POV


Buong araw akong hikab nang hikab dito sa classroom. Kaloka!


Nakakaantok na nga ang class ni Ms. Corpus tapos kulang pa ako sa tulog. Sino ba ang makakatulog nang maayos sa lahat na nangyare sa'kin kagabi? Mula umaga hanggang ngayong hapon ay kanina ko pa tinitingnan ang braso kong may bandage.

Bumabalik sa aking alala ang mukha ni Leon habang sarap na sarap siyang iniinum ang aking dugo. Parang hindi ko tuloy lubos ma isip na ginawa ko 'yon. That I willingly gave my blood to a vampire! Haaaaaays! Is this really happening?? Tapos next month ikakasal ako sa kaniya? Totoo na ba 'to?

"Hi Mia!"

Nagulat ako nang sumulpot si Calvin at doon siya umupo sa bakanteng upu-an sa gilid ko.


"Hi Cal." Sagot ko naman sabay pasimpleng nilingon ang grupo ni Hannah. "Cal, nakatingin sa'tin sina Hannah. Pwede later ka nalang—"


"Pabayaan mo sila." Naka ngiti niyang singit at pagkatapos ay inusog niya pa ang kaniyang upu-an malapit sa'kin.


Napakagat labi ako dahil ang awkward talaga. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nila kahit naka talikod ako. Ewan ko ba bakit ngayon parang hindi na katulad dati na tuwang-tuwa ako kapag sa tabi ko si Calvin. Siguro na iilang lang ako dahil nandito sina Hannah.


"Mia, uhm. Can you take a look at this?" bulong ni Calvin kaya pumaling ako sa kaniya.


He showed me his notes at parang may kakaiba akong napansin. Noong makilala kung anong hawak niya ay bigla kong tinakpan ito nang aking notebook.

"Bakit hawak mo ang questionnaire nang exam next week?!" agad kong tanong sa kaniya pero naka ngiti lang siya.

"Shhh... hiniram ko sa office. Paki tingnan nga kung alam mo 'tong—"

"Cal, baka mahuli tayo ano ka ba?!" singit ko sa kaniya.

"Relax, hindi 'yan. Just help me out Mia please? If I can't pass this exam ma fe-fail ako at mawawala ang scholarship ko. Tulongan mo naman ako oh?"


Hinawakan niya ang aking braso kaya napasinghap ako. Iba rin talaga ang epekto sa'kin kapag si Calvin ang kausap ko. Hindi pa rin nawawala ang kilig na nararamdaman ko when it comes to Calvin. I still can't resist his eyes when he looked at me this way.


Kahit labag sa loob ko, kahit alam kong mali pero wala na akong magagawa. Mabilis kong hinugot ang questionnaire sa kaniya at tinago ito sa ilalim nang libre ko.


The Day WalkerWhere stories live. Discover now