The Day Walker
Written by Angelo
Chapter 26
--Castle Belmont—
Everyone was here.....
All the members of the high councils, the elders, at kung sino pa itong nandito. Basta maraming mga vampires and nandito ngayon sa Castle Belmont.
Galing sa kagubatan kanina ay pinapunta kami dito. Karga-karga ko pa rin ang bata dahil hindi ko pa alam kung anong gagawin sa kaniya. She's so beautiful to be honest. Siguro mga na sa 4 or 5 years old na siya. Curly and kaniyang buhok, makinis ang kaniyang mga balat, Mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, pinkish and kaniyang labi at may isa pa akong napansin sa batang ito.
Pula ang kulay ng kaniyang mga mata.
I don't know what's her name dahil hindi pa siya nagsasalita mula pa kanina. At her age siguro marunong na rin 'tong mag salita. Pero kahit gan'on na ang na saksihan ng bata ay hindi talaga siya umiyak. Hindi manlang siya nag reklamo noong na lipat siya sa akin. I mean, she saw everything what happened to her mother pero parang wala lang sa kaniya. Ang weird nga e.
Anyway, pag pasok namin kanina ay dumiretso agad ako sa gilid kung saan may upu-an. Umupo ako habang kinakandong ko ang bata. Pag dating naman ng mga high council ay hindi na sila umupo. Naka tayo lang sila sa gitna like they were waiting for someone. Parang hindi nga rin ako mapakali dahil siyempre nandito na si Leon.
Hindi na talaga panaginip 'to. He's really here at hindi pa maganda ang na datnan niya. Pagkatapos kasi ng mga nangyare kanina ay pinadampot niya ang tatlong mga nilalang na gustong kumuha ng bata. Isa pa itong palaisipan kung bakit ang bata ang pinupontarya nila. Well, that's what we are about to find out.
Si Julius naman hindi ko na nakita. Hindi ko alam kung saan siya nag punta dahil si Henry na ang sumundo sa amin kanina. Wala pa rin siya dito at parang na iinip na ang ibang mga council.
YOU ARE READING
The Day Walker
FantasyMia was a simple girl who came from well known family back from the old days. Growing up on a town were myths and folk stories are told, life was never easy for her. She's a quite type, loner, always been bullied, and wanted to separate herself from...