CTHMBD 4 - Reminisce

22 3 0
                                    

CTHMBD 4 - Reminisce

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakatingin lang ako sa kanila na masayang nag uusap sa couch. Walang hiyang buhay 'to naging third wheel pa ko.

Puro lang kwento tungkol sa auction ang boyfriend ni Jill, yun pala dapat ang pupuntahan namin kanina. Bakit naman kaya naisip ni Jill na indianin ang lalaking 'to?

But by the looks of it, Jill is disappointed in herself for not attending the auction. Of course, a lot of rich people's habits include spending their gold at auctions. No wonder she regrets being with me rather than attending that auction with her lover.

Akala ko pa naman single si Jillian, alam ko na ngayon bakit ilag siya sa mga ginagawa ko kanina.

Gwapo ang boyfriend niya, mukhang mayaman at mukhang wala akong palag. Ayos lang, mas astig naman siguro ako. Sana?

Mas mabuti pa sigurong umuwi na lang ako, tutal may kasama naman na siya, mas maganda siguro kung bigyan ko sila ng privacy. Palabas na sana ako nang tawagin ako ni Jillian, di ba uso sa kaniya maging sensitive?

"Valeriano, where do you think you're going?"

Humarap naman ako sa kaniya na nakalayo na pala sa 'boyfriend' niya at papalapit na sakin habang may pagtataka sa mukha.

"Uuwi na po ako Ma'am, sa nakikita ko naman, someone can keep you company at least for the meantime." I said with a faint smile.

I know, I don't have the rights to feel this way. But....I just can't help it, sinasabi ng puso ko na dapat ako ang kausap ni Jill, na dapat sakin niya binibigay ang mga ngiting iyon at hindi sa isang lalaking mukhang wala namang "dragon balls".

"No, don't leave. He's just about to go, so no one's accompanying me for today. You better stay."

Mag po-protesta pa sana ako pero tinalikuran niya na ako kaya di ko na nagawa. Narinig ko namang nag paalam na siya sa boyfriend niya na "inaantok" na daw siya. Gusto ko sana matawa sa rason niya, isama niyo pa yung pag akto niya na talagang pagod siya. Ngayon ko lang nalaman artista din pala 'tong babae na 'to.

Imposible kasing inaantok siya dahil natulog na siya kanina sa byahe namin. Buti na lang talaga kaya ko pigilan tawa ko pero syempre nang tignan niya ako ay nginitian ko lang siya ng nakakaloko na siya namang sinuklian niya ng matatalim na titig.

Nag paalam na nga ang mokong este ang boyfriend ni Jill, bago lumabas ay binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti na siyang sinuklian ko naman pilit nga lang. Batid kong mabait siya, pero karibal ko pa din siya walang mabait-mabait dito noh.

Siniguro ko munang sasakay na siya ng sasakyan niya at aalis ng mansion bago ko isarado ang pinto. Mahirap na, baka mamaya may masama pa siyang balak kay Jill noh. Kahit boyfriend siya, di ako mag dadalawang-isip na saktan siya pag ginalaw niya si Jill.

Ewan ko ba, may kung ano sa loob ko na kahit ilang beses kong subukan na pabayaan si Jillian ay isang tawag niya lang ay nag babago na agad ang plano ko. Simpleng bigkas lang ng apelyido ko ay nababahag na ang buntot ko.

Bigla ko namang naalala ang sinabi niya kanina, di ko talaga maintindihan ang sinabi niya pero sigurado akong may tinatanong siya sakin na hindi ko nasagot. At kung tama man ang hinala ko maaaring yun ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ganang kumain kanina bago kami dumaan sa drive-thru.

"Nakaalis na ba si Chase?" Rinig kong tanong ng dilag na kanina lang ay iniisip ko. Kinandado ko muna ang pintuan atsaka humarap sa kaniya.

"Opo Maam, nakalabas na po siya."  Tumango naman siya at tinignan lang ako na parang nag hihintay din sa sasabihin ko.

Captivate the Heart of My Boss's Daughter [GxG]Where stories live. Discover now