CTHMBD- Prologue

52 3 2
                                    

"Elaiza Bangon na!" Isang malakas at nakakatakot na boses ng babae ang narinig kong nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakahiga. Mula kagabi ay pagod pa ko dahil part time job ko sa bar. Isa akong humble yet gorgeous DJ ng isang Bar sa Timog na madalas tambayan ng mga kabataang tulad ko.

Matutulog pa sana ulit ako nang biglang may iilang patak ng tubig ang tumama sa aking braso. Dumami pa ito hanggang sa nakita ko ang Ina kong  ibubuhos na sana sakin ang isang tabo ng tubig na hawak nya.

"Mama naman pagod pa ko eh. Patulugin nyo muna ko kahit 5 minutes lang" reklamo ko ng may pagkairita.

Damang dama ko na ang basa kong braso pati na rin ang manggas ng damit ko dahil sa tubig na sinaboy sakin.

"Aba! Tanghali na at wag kang reklamo ng reklamo dyan dahil ikaw ang may gustong mag trabaho ng ganyan. Sinong matinong babae ba kasi ang nag ta-trabaho sa gabi? Ano ka si Kuratcha?" May halong pang-aasar na himig ni Mama.

Di na ko nag atubili pang makipag away sa kanya after all kasalanan ko naman talaga, ako ang may gusto na mag trabaho para may ginagawa naman ako habang hindi pa simula ng klase.

Dati ay pinipigilan pa nga nila ako dahil masyado na daw matigas ang ulo ko. At baka gustuhin ko lang daw bumukod kaya ko pinagpipilitan na mag part-time job.

Ako nga pala si Elaiza Gaile Valeriano a.k.a Elle, 18 yrs. old at naniniwalang walang matinong lalaki kaya dapat pumatol sa babae. Right. I'm an out and proud Bisexual.

Alam ng Pamilya ko ang tungkol sa akin, lahat naman ay sinasabi ko sa kanila bukod sa mga nakaka-fling ko sa bar tuwing nag papart-time. Sigurado ko, mapapalayas na talaga ko pag nag kataon.

Isa din yun sa dahilan kaya ayokong itigil ang trabaho ko, sobrang daming benefits ng part-time job ko sakin. Sa katunayan mas gusto kong mag trabaho kesa mag-aral pero di ko kaya bitawan ang pangarap ko.

Pinagsisikapan kong mag-ipon para sa pangarap kong course, law. Sabi nila malaking pera daw ang kailangan sa pag take ng Law Course pero wala akong pakialam sa sinasabi ng iba.

Pag-iipunan ko ang pangarap ko, kaya ko naman talaga ginagawa ang mga raket ko ay para din sa pangarap ko. Syempre parte na dun ang mga babaeng nakakasalamuha ko sa bar.

Nag hilamos lang ako at sumabay na din kumain kasama sila Mama na may kausap sa cellphone at ang mga kapatid ko.

"Bilisan mong kumain dahil kailangan mong pumunta sa Papa mo Elle" ramdam ko ang pag aalala sa tono ni Mama pagkatapos nyang kausapin ang taong nasa telepono.

"Anong problema Ma, may nangyari ba kay papa?" di ko maiwasang mag alala dahil sa kanya.

"Nag collapse daw sya sabi ni Yaya Teresa kaya puntahan mo ang Papa mo baka napano na yun doon" nagpapanic na si Mama kaya alam kong seryoso sya.

Minadali ko na ang pagkain ko at agad na nagbihis. Kinuha ko na din ang wallet at bag ko bago hingin kay Mama ang address ng pinag ta-trabahuhan ni Papa.

North Forbes Park, Makati

I know this place, as far as I know this is one of the most expensive subdivision on our country. Grabe sobrang yaman pala talaga ng Family na pinapasukan ni Papa. I don't even have an Idea that they are this rich!

Sabi ni Mama ay sabihin ko lang daw ang Pangalan ng residence na pupuntahan ko ay papapasukin na ko. Nag madali na akong umalis dahil baka di ko na abutan ang Papa ko dun pag chumika pa ako kay Mama.

Sumakay ako ng Motorcycle Taxi na uso na ngayon sa pinas. Mas mabilis ito kesa sa mga car taxi dahil natural traffic sa pinas.

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay narating ko din ang Forbes Park, sa unang tingin pa lang ay halata ko ng puro mamahalin at importanteng tao ang nakatira dito.

Captivate the Heart of My Boss's Daughter [GxG]Where stories live. Discover now