CTHMBD 5 - Fragment of Memories

13 1 0
                                    

CTHMBD 5 - Fragment of Memories

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I woke up in an average room. Right, nasa quarters nga pala ako ng mga maids ng mansion.

Bumangon na ko at agad nag hilamos at naligo, di naman kasi uso sakin yung morning routine ng babae kaaarte lang nila. Ok na yung shampoo, sabon, toothbrush at hilamos.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang panaginip ko......

Bakit nakita ko ang kwintas na yun? Imposibleng si Jill ang babaeng kulang sa memorya ko.....hindi pwede.

Kilala ko ang kausap ko, siya ang first love ko at....

Hindi siya si Jill.

But I am full aware na may mali na talaga.

I must remember her.

Jillian Feliciano, what role do you play in my life?

........................................................................

Lumabas na ako mula sa kwarto at dumiretso sa kusina. Wala pa namang tao kaya minabuti ko na mag almusal muna nag timpla lang ako ng kapeng barako at gumawa ng sandwich, mas mabuting may kain na ako dahil baka mamaya ay lumabas na si Jill at may biglaang lakad siya.

As I took a sip of my black coffee, a voice was heard from the kitchen door.

"Aga mo naman magising."

Pagtawag ng katulong sa aking atensyon. Naaalala ko siya, siya yung babaeng sumundo sa akin sa gate kahapon.

"Uhm, baka lang kasi may pupuntahan si Ma'am Jill, mas ok na yung handa ako ano mang oras"

I heard her giggled, may nasabi ba akong nakakatawa?

"Ah, sorry nakalimutan ko palang mag pakilala sayo kahapon. Ako nga pala si Sheena."

Inilahad niya ang kamay niya sakin at malugod ko naman itong tinanggap.

"Elaiza, but you can call me Elle."

Pansin ko na nagiging matagal na ang paghawak niya sa kamay ko, mukhang di na ata maganda 'to.

Bago pa ko bumitaw ay narinig kong tumikhim ang babaeng pinaka ayaw ko sanang makita ako sa ganitong posisyon.

"Looks like you found a new friend, Sheena" she stated.

Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak sa akin ni Sheena at lumingon sa babaeng mukhang sinapian ng itim na elemento.

Kay agang gulo na naman po mga kaibigan.

"Good Morning po, Ma'am Jillian" sabay na bati namin ni Sheena.

Mukhang napansin din niya ang madilim na awrang bumabalot kay Jill ngayon.

Lumakad palapit sa direksyon namin si Jill, akala ko aawayin na naman niya ako pero nilagpasan niya lang kami.

She took out a bowl and box of cereal from the cabinet. Again, she stares at us. Napansin niya atang hindi kami gumagalaw ni Sheena at nagti-titigan lang kami.

"Sheena, buy me a milk in the supermarket. Now."

"Pero Ma'am may gatas pa naman po sa Ref, gusto nyo po ba ipaghanda ko na lang kayo?" Magalang na tanong ni Sheena ngunit tila di naman ito nagustuhan ni Jillian.

"Didn't you hear me? Bakit hindi ba kita pinapasweldo para umangal ka?"

"I want a new one, so get me a new one. Bi-hmph"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captivate the Heart of My Boss's Daughter [GxG]Where stories live. Discover now