Prolouge

52 9 8
                                    

Detours of Season
starring,

Seleno "Ino" A. Esguerra

Summer Rain L. Asuncion

---


Prolouge





Kasalukuyan akong nakatitig sa mga kumikinang niyang sapatos na tila mas mahal pa sa buhay ko.



"Ino, please tumayo ka dyan." Summer.



"Ma'am, mahal na mahal ko ho ang 'yong anak bigyan niyo po ako ng isang pagkakataon para patunayan ito sa inyo." halos mamula na ang mga tuhod ko, labing-limang minuto na akong nakaluhod at ang sakit na. 



"Mommy please.." Summer.



Sa pagkakaluhod ko ay mas binabaan ko pa ito na halos halikan ko na ang sapatos nito. Ilang beses akong pinilit itayo ni Summer ngunit hindi ako nagpatinag kung ito lang ang pagkakataon para mapatunayan ang pagmamahal ko sa mga magulang niya ay gagawin ko.



"Wala kang ipapalamon sa anak ko, isa ka lamang hampaslupa, wala kang karapatang angkinin ang anak ko." 



"Mommy!" 



"Ngayon pa na wala na kayong pinagkakakitaan." tumawa ito ng mapait. "...hindi ka bagay sa anak ko kaya tumayo ka dyan dahil wala kang makukuhang sagot sa 'kin. Magkano ang kailangan niyo para tigilan niyo na kami?" hindi ko napigilan ang sarili kong tingalain ito at talasan ang paningin ko sa kanya. 



"Janice.." asawa nito.



"Hindi po bagay ang anak niyo para bawiin gamit ang pera." matigas kong sambit.



Tinapunan ako nito ng libo libong papel, nagkalat ito sa sahig ngunit hindi ko ito tinapunan ng tingin.



"Layuan mo ang anak ko, kung hindi ay wala na kayong lupang titirhan." pagbabanta nito at tuluyan na akong tinalikuran.



"Ino, I'm sorry I didn't—"



"Summer anak, let's go." 



"Daddy, wait." akma ako nitong hahawakan ngunit pinigilan siya ng kanyang ama. 



Nahihirapan man ay pinilit ko siyang nginitian at tumango, pilit siyang hinila ng kanyang ama papalayo sa 'kin hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin ko.



Tumayo ako at pinagmasdan ang tuhod kong namumula — ang paa kong napapalibutan ng putik tanda ng kasipagan ko sa buhay. 



Napangiti ako ng mapait.



Anong pumasok sa isip ko at ipinaglalaban ko ang babaeng sobrang layo sa estado ng buhay ko? Tama nga ang nanay niya, isa akong hampaslupa.



At ang hampaslupa ay para lamang din sa katulad ko.



Pinagmasdan ko ang malawak nilang sala na siyang halos kasing laki na ng bahay namin, tumalikod ako at masama ang loob na lumabas ng pinto nila. 



Lumabas ako ng gate at sumalubong sa akin ang tatay ko, malawak ang ngiti at tila naghihintay ng magandang balita sa akin. Pinilit kong ngumiti dito.



"Anong balita anak? Napapayag mo ba?" 



"Nako tay, hindi ganoon kadali kailangan ko daw ligawan ng mas matagal at pulido para diretso agad ng simbahan." inakbayan ko ito at sabay kaming naglakad.



"Pero anak, sigurado ka ba? Ibang iba ang buhay ninyo ni Summer." 



"Hindi nasusukat sa estado ng buhay ang pagmamahal tay, pero kung hindi ibibigay bakit pa natin ipipilit 'di ba?" sambit ko.



"Basta patunayan mong hindi pera ang habol natin sa kanila kung hindi tunay na pagmamahal at walang halong kasinungalingan." 






Ngumiti ako dito at tumango.







Sana ay ganon lang kadali ang lahat, ngunit pati ako ay nauubusan na ng pag-asa. 








---

Detours of Season (On-Going)Where stories live. Discover now