Chapter 4

24 0 0
                                    

Rogue's POV

Maaga palang ay gumayak na ako para sa unang araw ko sa trabaho. Ayoko namang malate sa unang pasok sa opisina. Tamang tumingin ulit ako sa salamin at kinuha na ang bag ko at bumaba na.

Naabutan ko naman si nanay na mukhang nagluluto naman. Haay.

"Nako nay. Hindi po talaga kayo nakikinig sakin" pagpaparamdam ko at lumapit sakanya para dampian ng halik sa pisngi.

"Anak, hayaan mo nang gawin ko 'to. Baka bukas hindi ko na ma--"

"Hayan nanaman kayo sa mga habilin ninyo nay. Ang gawin nyo po, umupo kayo dito at ako na ang magtuguloy niyan" sabi ko bago tinanggal ang aipron na nakasuot sakanya at inalalayan siyang maupo. Sinuot ko ang aipron at ako na ang nagtuloy sa sinasangag niyang kanin.

"Bam, natatandaan mo ba yung batang nakiusap saamin ng tatay mo na huwag na ka ng ampunin?" wala sa loob kong bigla niyang naitanong. Minsan talaga ang layo na ng mga topic ng mga matatanda eh no?

"Opo" simpleng sagot ko at tumango pa habang nakatalikod sakanya.

"Ano nga bang pangalan non?" tanong niya.

"Ah, si Reece po." sagot ko. Isinalin ko na sa plato ang kanin at inilapag na sa lamesa. Tamang hinainan ko lang kaming dalawa at umupo narin sa tabi nang nanay.

"Nasaan na kaya ang batang 'yon? Nakakatuwa lang dahil ayaw ka niyang ampunin namin dahil gusto niyang magkasama lang kayo" napapangiti niya pang sabi. Naisip ko rin tuloy nung araw na 'yon ay sobra ang iyak namin ni Reece dahil aalis na ako. Sabi niya nawala na nga daw si La-- di bale na.

"Nay, kumain na po kayo." pagiiba ko ng usapan at sinandukan na siya ng pagkain.

Tamang kwentuhan lang kami ni nanay nang mapatingin ako sa relo ko at kailangan ko ng umalis.

"Nay, aalis na po ako. Maupo lang po kayo dito. Magpahinga kayo. May kanin pa po diyan sa kaldero. Bibili nalang po ako ng ulam ninyo sa karinderya nila Biboy at ipapahatid ko nalang po sakanya dito. Mag-iingat po kayo." pagpapaalam ko at tamang tumango lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Mag-iingat ka anak" sabi niya bago ako makalabas ng bahay. Nginitian ko nalang siya at umalis na.

Tulad ng sabi ko dumaan ako sa karinderya nila Biboy. Saktong siya naman ang tumatao doon.

"Biboy, isa nga nitong adobong sitaw at gatang sitaw kalabasa. Penge narin ng sabaw" sabi ko. Di tulad dati ay wala siyang reaksyon at sinandok na yung ulam na sinabi ko.

"Oy, may problema ka ba?" tanong ko. Tinigil niya ang pagsasandok at tumingin sakin na kukurap kurap ang mata. Sa totoo lang, may itsura naman 'tong mokong na 'to eh. Hindi ko lang nga maappreciate.

"Hindi ka ba naaawa sakin? Sinaktan mo ang puso ko" at nagpipilit pang umiyak ang loko. Nako, kung may salamin lang dito siguro kinilabutan siya sa itsura niya.

"Mga drama mo nanaman. Sandukin mo na yan. Ito ang bayad. Pakihatid narin yan kay nanay. Salamat" at bago pa ako makalayo ay narinig ko ang boses niya.

"Hihintayin ko hanggang maging babae ka na ulit!" sigaw niya. Napailing nalang ako at nagtuloy na sa paglalakad.

Dahil wala namang traffic, nakarating agad ako sa opisina. Pumasok na ako agad sa loob at tamang nagbatian lang kami ng guard. Nakasabay ko naman si Lara sa elevator. Mukhang kadarating lang din.

"Rogue. Anong nangyari dun sa usap nyo ni Sir? Nagalit ba sayo?" tanong niya agad ng sumara na ang pinto ng elevator.

"Oo eh. Nahulog ko kasi yung mga papeles niya tapos na--"

"Ano?! A-anong sinabi niya? Narinig mo ba yung mura niya?" parang naeexcite pang tanong niya. Binalikan ko sa isip ko yung mga sinabi niya. Ano dun?

"Yung sheep!" sigaw niya.

Ah! Oo!

"Oo, narinig ko. Nagkasabay pa nga kami eh"

"Bakit? Alam mo din yun?" oh no!

"A-ahm. O-Hindi. Hindi. Hindi ko alam yun" iiling-iling ko pang sabi magsasalita pa sana siya pero bumukas na ang pinto ng elevator sa 24th floor kung saan nandun ang opisina niya.

Sinabi niya sakin kung saan banda yung desk ko. May pangalan ko daw yun kaya makikita ko agad at yung lang daw ang nag-iisang desk malapit kay Sir Adam. Tamang nagpaalaman lang kami at nagsabing sabay kaming maglulunch. Sasara na sana ang pinto ng elevator pero laking gulat ko nang may biglang sumuot ng kamay bago ito magsara.

Nang bumakas ulit ito ay isang maaliwalas na mukha ng lalaki ang natanawan ko. Nginitian niya muna ako bago siya pumasok. At dahil kaming dalawa lang ay parang nailang ako. Ang gwapo kasi niya sobra. Dahil katabi ko siya amoy-amoy ko ang masculine scent niya. Hulog ng elevator na ba ang meron at wala ng hulog ng langit?

"Hi, beautiful" napalingon agad ako sakanya at nagulat nalang ako dahil nakatingin din siya sakin. Jusme! Ang pungay ng mga mata niya. Ang kinis ng mukha at ang pula ng labi. Pwede bang maglaway?

Sasagot palang sana ako ng bumakas na ulit ang elevator sa 34th floor. Dito na ako.

"Looks like were on the same floor" sabi niya at pinauna na akong lumabas. Parang napipe ako bigla at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin. Nang matapat kami sa isang desk at nakita ko rin ang pangalan ko, siguro ito na yung desk na sinasabi ni Lara.

"So your the new EA huh? I see. By the way, im Travis." pagpapakilala niya at inilahad ang kamay niya. Tamang kinamayan ko naman siya at matipid na ngumiti "Nice meeting you" pagsabi niya non ay nagdiretsyo na siya ng lakad at sa pakiwari ko ay palapit sa pinto ni Sir Adam.

Dahil transparent ang opisina niya nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sir nang masulyapan niya si Travis. At bago pa magsara ang pinto narinig ko ang boses niya.

"What are you doing here?" matigas niyang sabi. Titignan ko pa sana kung ano ang mangyayari kahit hindi ko sila naririnig pero may kung anong pinindot si Sir at sumara ang Roller shades na nakapaikot sa buong opisina niya.

Napakibit balikat nalang ako at inambunan na ng tingin ang sangkaterbang papeles na nakapatong sa desk ko. This will be a tiring day huh?

-------
Hiii. Comment x votes.

Red_Soup xoxo

A Heartbreaker's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon