Invalid Explanation

47 6 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ni Joaquin para makauwi sa bahay nila ni Dana. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nakita niya na naman ang sarili sa hotel na may kasamang ibang babae. Uuwi siya ngayon kay Dana para umamin sa lahat ng kasalanan na nagawa niya at para humingi rito ng tawad.

Binuksan niya ang pinto ng apartment na tinutuluyan nila, nakita niyang wala doon si Dana kaya mabilis siyang tumakbo papunta sa kwarto nila. Binuksan niya kaagad ang cabinet. Nakahinga siya ng maluwag noong nakita niya sa loob nito na maayos pa ring nakasalansan ang mga damit ng babae.

Napasalampak siya sa sahig dahil nanlalambot ang kaniyang tuhod at napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil nawalan na naman siya ng lakas ng loob para umamin dito.

Noong binuksan niya ang pinto at nakitang wala si Dana sa loob, para siyang pinapatay kakaisip na baka iniwan na siya nito at hindi na babalik.

Hindi niya alam kung ano na ang dapat gawin sa relasyon nila ni Dana. Hindi nya alam kung saan siya magsisimulang humingi ng tawad dito.

Gusto niyang may makausap ngunit si Jerome at Henry ay nag-migrate na sa ibang bansa kasama ang magulang ng mga ito. Pagkatapos na pagkatapos nila sa college, nakaayos na ang papeles ng dalawa at ano mang oras ay handa nang umalis.

Ngayon hindi niya na alam ang gagawin sa buhay niya, ilang taon ng si Dana lang ang kasama niya sa buhay. Kulang na lang ay idepende niya na ang kaniyang paghinga rito. Nakakatawang isipin na nasasabi niya kung gaano niya kamahal si Dana, na hindi niya ito kayang mawala pero dalawang beses siyang gumawa ng kababuyan kasama ang ibang babae habang walang kaalam-alam ang babaeng mahal niya.

Nandidiri siya sa sarili. Alam niyang kahit ilang beses pa siyang maligo at mag-sabon, hindi pa rin maaalis ang kaniyang dumi.



ILANG linggo na silang hindi nag-uusap ng maayos ni Dana pero hindi niya ito pinupuna dahil baka magalit lalo ang babae.

Nagpapasalamat na lang siya dahil sinasabayan pa rin siya nitong kumain at tinatabihan matulog. Ngunit ramdam niya ang pag distansya nito sa kaniya. Tinatrato na siya nito na parang magkasama lang sila sa iisang boarding house at tabi natutulog.

Hindi na rin nito sinasabi kapag gagabihin ito ng uwi. Hindi na rin siya tinatawagan o tine-text ng babae para magpasundo. Ilang beses na rin itong umuuwi ng gabi pero hindi niya matanong kung saan ito nagpunta, anong ginawa nito maghapon, at kamusta na ang araw niya.

Noong araw na natulog siya sa kama katabi ng ibang babae, kahit hindi si Dana ang magsabi, inalisan niya na ng karapatan ang sarili na magreklamo at magtanong sa ginagawa nito.

Isang gabi, bigla siyang hinarap ni Dana habang magkatalikuran sila sa higaan. Nagulat siya sa ginawa nito dahil hindi niya ito inaasahan.

"Joaquin" Dana stare into his eyes. Parang inaalam nito ang tinatago niya sa isip.

Hindi siya makasagot sa tawag nito. Ngayon na lang uli siya tinawag ni Dana gamit ang kaniyang pangalan sa nakalipas na ilang linggo kaya para siyang napipe habang nakatingin sa kaharap.

Mukhang nakuha naman ni Dana na hindi siya makapagsalita kaya nagpatuloy na lang ito uli. "Let's go outside tomorrow, are you free?" Mahinahong tanong nito sa kaniya.

Nagliwanag ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. Naisip niya na baka magbabati na silang dalawa kaya nag-aaya itong umalis.

"I'm free" He smiled.

"Okay" Tanging sagot nito.

Yayakapin niya sana si Dana ng bigla itong umurong papalayo sa kaniya sabay talikod.

Nanlumo niyang binawi ang kamay na ipang-yayakap niya rito at tumuloy na lang sa pagtulog.



"Where are we going?" Tanong niya rito habang nagdra-drive

Until The Traces Fade Out (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon