Naging close sila ni Dana pagkatapos nilang makapagkwentuhan sa café. Lumipas ang ilang linggo at buwan na lagi silang magkasama nito. Madalas silang nagkikita sa campus para mag-lunch o 'di naman kaya'y pupunta sa library para samahan ito mag-aral.
Sila Henry at Jerome nga ay naninibago dahil sa mga ginagawa niya. Mag-iisang taon na kasi simula noong huli siyang may dinalang babae sa hotel. Well, he is contented being with Dana. Matagal niya ng nais sabihin na gusto niya ang dalaga pero wala siyang lakas ng loob na ituloy ito. Natatakot siya na baka isipin nito na kaya lang siya lumapit ay dahil meron siyang motibo.
"Joaquin, may niluto akong lunch, gusto mo?" Tanong ni Dana na nakaupo sa gilid niya. Nakalahad sa harapan niya ang baon na niluto nito.
Hindi niya tinanggihan ang alok ng babae dahil matagal niya ng gustong tikman ang luto nito. Nabanggit niya dati rito na madalang siyang makatikim ng lutong bahay dahil wala laging tao sa bahay nila. Ang sabi naman ni Dana, 'pag magaling na siyang magluto, ipagluluto siya nito na labis niyang ikinatuwa.
"Natatandaan mo pa ba? Sabi ko sayo dati ipagluluto kita kapag magaling na ako magluto." Nahihiyang sabi ni Dana habang nakayuko ang ulo. "I practiced a lot to cook for you."
Dumapo ang tingin ni Joaquin sa mga kamay ni Dana at nakita niya ang mga malilit na sugat dito. Dahil sa nakita, hindi niya na napigilang yakapin si Dana. Wala na siyang pake kung sino man ang makakita sa kanila, wala siyang pake kung ipagtabuyan siya ni Dana pagkatapos ng pagyakap niya dito ng walang paalam. He just want to cherish Dana at that very moment.
"J-Joaquin, a-anong ginagawa mo?" Nakita niya ang pamumula ng tenga nito dahil nakayakap siya sa dalaga.
"I want to hug you" Diretsong sagot niya.
"Paano kung may makakita sayo?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.
"I don't care, let them see."
Hindi sumagot ang babae ngunit kitang-kita ni Joaquin na patuloy pa ring namumula ang tenga nito.
Is this a go signal? I'll risk everything here if that's the case.
"D-dana" Gusto niyang sapukin ang sarili dahil nautal pa siya kahit pangalan lang naman nito ang kaniyang binanggit.
"Hmm?" Tanging tugon ng babae.
"Dana, I love you for a while now. It's okay if you don't want me, hindi mo kailangang sumagot. I just want to tell you how I feel. Gusto kita, the moment I first saw you at the cafe, I fell in love with you. Alam kong alam mo na I slept with many girls before but I promise I will only love and have you until you don't want me anymore." Kumalas siya sa pagkakayakap dito at dumiretso ng upo palihis sa direksyon ni Dana.
Naghintay siya ng ilang saglit sa isasagot nito ngunit hindi niya inasahan ang itinugon sa kaniya ng babae.
Hinawakan ni Dana ang kaniyang magkabilang pisngi at hinalikan siya sa labi. Nanlaki ang mata ni Joaquin sa ginawa ni Dana at halos tibok nalang ng kaniyang puso ang naririnig nya.
Humiwalay sa pagkakahalik si Dana at idinikit ng dalaga ang noo nito sa kaniyang noo. "I love you too, salamat dahil nasa tabi kita nitong mga nagdaang buwan. I like you too, Joaquin"
Sobrang saya ng nararamdaman ni Joaquin, he hugged Dana again as tight as he could. He doesn't want to let her go. "I love you, Dana. I love you so much. I promise I will be good. No, screw that. I promise I will be the best I could ever be for you."
3 years later
They are now in the last year of their college life. Magta-tatlong taon na rin sila ni Dana. During those years, every day was like a dream because of her. She made him feel at peace, she made him feel safe even though he is the one who should protect her, and most of all, she made him feel love.
BINABASA MO ANG
Until The Traces Fade Out (COMPLETED)
Storie brevi◂ A short story ▸ A thousand types of love you let me feel made my life crumbles more than the thousand types of pain you left knowing that I wouldn't be able to experience the same warmth, the same peace, and the same love without you ever again. S...