3

4 1 0
                                        


ms. Dome, nasa mansion ngayon si Don Luciano

napalingon ito kay Shane at kumunot ang noo ito na nag iisip

kailan siya dumating?

kaninang umaga lang.

napabungtong hininga ito.

Shane, Re-sched mo ang dinner meeting namin ni mr. Fabia. Uuwi ako sa bahay.

naglakad ito papasok sa elevator

nagmadali itong sumakay at pinabilisan niya sa driver ang pag maneho.

Hi, lo. uuwi pala kayo dapat nagpasabi kayo para may sundo sa inyo

Hindii na kita inistorbo, alam kung busy ka sa trabaho. Kasama ko naman si Arnaldo eh

ksi lolo talaga, pagdating sa inyo, hindi ako busy.

ang apo ka talaga. Ginaya niya ito at tyaka ngumiti

niyakap niya ang matanda ng mahigpit. Ilang buwan din itong nawalay sa kanya.

namiss rin kita. aniya ni Luciano. Kahit hindi sabihin ni Dome ay kilala siya nito mula ulo hanggang paa. Mula ng ipinanganak sya ay si Luciano na ang nag alaga sa kanya. Namatay ang mga magulang nito sa isang sakuna.

Kumusta ang bakasyon mo, lo?

Masaya, nakabalik ako sa farm. Nakita kung muli ang mga kaibigan ko, ang simbahan kung saan kami unang nagkita ni Leonor.

hindi maipagkakaila ang saya sa kanyang mga mata.

Bakit po kayo biglang umuwi?

namimiss ko kasi ang aking apo. sabay ngiti ng malapad.

niyakap ni Dome ang lolo niya ng mahigpit

kumusta ka na? balik tanong nito at seryoso ang ekpresyon ng kanyang mukha

kumalas ito sa pag yakap at tumingin sa mata ni Luciano

Ano pong sagot gusto niyo malaman, lo?

napangiti ng bahagya si Luciano. Kilala mo talaga ako.

apo, kailan mo haharapin ang sarili mo. Wala ka pa bang balak magka pamilya?

lo, pag uusapan ba natin yan ngayon?

nakahanda na po ang pagkain. sabat ng katulong

tulungan ko na po kayo.

anong akala mo sa lolo mo, malakas pa sa kalabaw ito. Nagpakita ito ng muscle sa braso

natawa ng kaunti si Dome at umiling. Lo naman eh. umakbay ito at sabay sila angtungo sa dining area.

si Dome ang umalalay sa pagkuha ng pagkain ng lolo niya.

Isa sa rason kung bakit ako nandito ay para paalalahanan ka na hindi mo dapat ibuhos lahat ng oras mo sa trabaho. Kailangan mo ring asikasuhin ang sarili mo. Dome hindi ka na bata, kaialgan mo ng makakasama na tutulong sayo at gagabay sayo hanggang sa pagtanda mo. I am not always here for you , May edad na ako at hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mananatili sa mundo.

nahinto sa pagkain si Dome, ang isipin na nawawala ang kanyang lolo ay hindi niya kakayanin.

tumango lang ito at ngumiti.

hindi ito makapag focus sa kanyang binabasa. sumandal ito sa kanyang upuan at nag iisip. naalala niya ang mga sinabi ni Luciano. Nag punta siya sa Veranda at humihigop ng kape habang nakatingin sa bintana ng kanyang lolo.

tumunog ang selpon nito.

Hi Dome!

Hi. aniya at ngumiti ng bahagya

Ganyan ba ang ngiti, kung sa kape ang pait.

may iniisip lang

hay naku, anong oras na. pagpahingain mo na muna yang utak mo sa trabaho.

hindi tungkol sa trabaho

eh ano, jowa?

napa tawa ng kunti si Dome. hindi rin pero parang ganoon.

anong hindi na parang ganoon?

dumating kasi si lolo

tapos

tinatanong niya ako kung kailan ako mag aasawa

iyon ang problema mo?

hmm

sa dami ng problema yan talaga?

hmmm

stop that humming bird.

anong gusto mo isagot ko?

bakit kasi sa dami mong manliligaw, wala ni isa sa kanila ang pumapasa sayo?

mukha kasing pera lang habol nila

ay sus, judgemental

Di naman, nag iingat lang.

Oo nga, andoon na tayo sa nag iingat lang kaso nasobrahan naman kaya walang pumapasa

eh wala din akong ma feel na something special doon sa mga nanliligaw. ligwak sila lahat.

ligwak o baka may naudlot na hinihintay pa na may pag asa?

wala na yun no.

wala na nga ba talaga?

Oo naman.

maniniwala lang ako kapag may jowa ka na.




Love Rescue [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon