6

2 1 0
                                    


Nagsagawa ng reunion part 2 si Veb. Batch lang nila ang kasali. Marami ang busy kaya kung sino lang ang may gusto.

Part ito ng kanilang plano para malapitan ni Dome si Atom at makausap.

Halika na dito. Andito ma si Atom

Nang dumating siya ay napukaw ang atensyon nilang lahat.

Simpleng naka blue shirt siya at jeans.

Hi

Bati niya sa mga andun.

Bumati rin sila sa kanya.

Pinaupo siya ni Veb sa tabi ni Atom.

Talagang planado lahat ito ni Veb.

Naiilang na naupo si Dome. Ito lang yata yung tatabi siya s alalaki ng may ilang.

Hindi naman siya ganito sa mga lalaking ka meeting nya. Sadyang kakaiba lang ang pakiramdam niya kay Atom.

Masyadong awkward ang sitwasyon para sa kanya lalo na at muntik na silang magkaroon ng relasyon noon kung hindi lang naputol ang connection nila.

Naka ilang shot na siya ng alak pero ni ha ni ho ay wala.... Sa iba nakikipag usap si Atom. Halatang umiiwas ito.

Tumayo sya at nag kunwari na iihi.

Sinundan siya ni Veb

Saan ka pupunta?

Sa banyo, sama ka?

Hinintay niya ito sa labas.

Paglabas nya ay hinila niya si Dome sa may kusina.

Bakit wala akong nakikita na nag uusap kayo ni Atom, ito na yung chance mo oh

Paano, ni hindi nga siya lumilingon sa akin. Parang ayaw niya ako kausapin.

Ikaw na kasi ang magbigay ng moves

Bakit ako?

Gusto mo ayaw mo?

Oh bakit kayo andito?

Nag banyo lang. May pinag usapan lang kami saglit.

Aaah okay. Sige kunin ko yung beer sa ref. Singit mung isa.

Iginiya na ni Veb si Dome sa sala.

Nakita niyang wala na doon si Atom.

Para ano pa at uupo siya doon kung wala naman na adoon ang taong purpose ng lahat ng ito.

Nagpunta siya sa labas.

Malamig na ang ihip ng hangin.

May mga ilaw na nagkikislapan sa mga bahay bahay.

Tinitigan niya ang mga ito at tuwang tuwa.

Namiss mo no?

Agad itong lumingon ng may magsalita

Nakita niya si Atom.

Tumango siya at ininaling ang tingin sa mga ilaw.

Oo, hindi ko akalain na magpapasko nanaman ulit.

Naglalakad ito ng makita niya sa labas si Dome na kausap si Atom.

Napangiti siya at bumalik sa loob.

Marami kasing trabaho sa office. Jindi pwedeng ipaubaya sa iba. Kapag nagkamali. Buong Hotel ang apektado.

Napakasipag mo.

Hindi naman. Sapat lang.

Nakita ni Veb ang selpon ni Dome at ni Atom. Kung anong naisip ay agad niya itong kinuha. Pinagpalit miya ito ng posisyon.

Nang makita niyang pabalik na sila sa loob ay naupo na si Veb sa dati niyang puwesto. Nagka hiritan pa ng inom ang lahat bago sila umuwi. Dinampot ni Dome ang kanyang cellphone at inilagay sa bag.

Dito na ako Dome para akauwi ka na rin.

Sure ka?

Oo, salamat sa pag hatid.

Salamat sa ginagawa mo, kaya lang hindi ko nasabi sa kanya.

May next time pa naman eh. Nag uumpisa pa lang tayo Gah.

Ngumiti si Dome at tumango.

Mag ingat ka sa pag uwi mo

Tango lang si Dome bilang tugon.

Nag quick shower lang ito at tyaka nahiga.

Biglang pumasok sa alala niya ang mga usapan nila ni Atom kanina.

Napabuga ito ng isipin ang plano.

How can I make you agree. Wala namang matinong tao ang papayag sa ganoong plano, unlesa may kundisyon

Napabangon ito bigla. Hinanap niya ang bag. Pagka kuha ng phone ay iba ang screen photo na naroon.

Teka, kanino ito. Nasaan ang phone ko?

Kinalkal pa niya lalo ang bag ngunit wala doon ang phone niya.

Marahas siyang napabuga ng alalahanin ang mga nangyari sa reunion.

Wala itong lock kaya binuksan niya ang gallery.

Nakita niya mga pictures ni Atom. Biglangay gumuhit sa dulo ng kanyang labi.

Nagulat ito at muntik na niyang mabitawan ang hawak ng tunog ito.

Nakita niya sa screen ang numero nito.

Naka kunot noo itong sinagot ang answer button.

Hello?

Dome?

Sino to?

Si Atom ito.

Atom, paano mo nalaam ang number ko.

May narinig siyang tumawa. Nagkapalitan tayo ng phone.

Tinignan niya ulit ang hawak. Oo nga no. Ngayon ko lang napansin.

Pwede ba tayong magkita sa sabado, may pasok ako bukas buong araw.

Hmmm sure. Wala naman ako trabaho. I'm on leave.... rest week.

Talaga. Sige may gagawin pa ako.

Nakipag kita si Dome kay Veb at Shane.

Ipinakita niya ang phone na kinuha sa bag.

Nagtatakang tumingin sa kanya si Veb.

Nagkapalitan kami ni Atom.

So?

May chance na magkita kami ulit and I have plan in mind.

Plano?

Since mahirap namam talaga yung plano niyo what if. Pareho kaming mag earn dito. I can support him financially at matutulungan niya ako kay lolo to stop digging me.

Hmmmmm pero sa tingin mo papayag yun sa ganoong aggreement?

I will do everything para mapapayag siya. May alinlangan sa kanyang ekpresyon.

Sana nga.... Ani Veb

Love Rescue [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon