14

2 1 0
                                        

Humingi ng tulong si Dome kay Veb

Si Veb na mismo ang umasikaso ng kasal ng kaibigan mula sa guest list, venue, sa pagkain. Siya lahat.

Abala ang compound sa paglilinis ng buong lugar. Ang mga matatandang lalaki magluluto habang ang mga baabe ang naghahanda ng ingredients.

Darating si Dome at Luciano sa bahay ng mga Abueva para sa tradisyunal na pamamanhikan.

Sabay na umalis ng bahay si Dome at Luciano. Naka amerikana ang matanda habang naka Blue dress si Dome.

Sa gate pa lang ay sinalubong sila ng mga magulag ni Atom.

Tuwang tuwa ang lahat sa apgdating nila.

Jasper, Lindon... Huwag kayong magtakbuhan. Saway ng babae

Lumabas si Atom para sunduin sila.

Nag mano ito kay Luciano.

Ipinakilala ni Atom si Twinkle ang panganay nilang kapatid kina Dome at Luciano.

At sila ang mga pamangkin ko. Ani Atom ma itinuro ang dalawang bata na naghahabulan.

Naka handa na ang lamesa.

Halos buong angkan nila Atom ang naroon.

Nasabi na ni Atom ang petsa ng kasal. Bungad na salita ni Mollie

Mayroon pa bang kailangan sa preparasyon, may maitutulong ba kami?

Hihintayin na lang po yung araw ng kasal. Ani Dome

Ganoon ba. Gusto sana naming magdagdag ng bisita kahit kami ma ang magdagdag ng pagkain. Darating kasi ang mga kapatid ko. Uuwi daw sila para makita at makadalo sa kasal ng pamangkin nila. Ani Arturo.

Walang problema. Ang mahalaga ay ang kasal ng dalawang bata. Ani Luciano

Tumango si Arturo at nagtaas ng baso.

Ito ay para sa pamilya Abueva at Montecillio.

Lahat sila ay sabay umimom. Maliban sa mga bata at teenager na juice ang ininom.

Nasa labas si Dome. Pinagmamasdan niya ang mga batang makulit.

Usto ko jut, Dami elo.

Hindi maintindihan ni Dome ang sinasabi ng bata.

Lumapit ito at umupo . Anong ulit yun?

Abi ko usto jut dami elo. Ulit mo ah

Gusto daw niya ng juice na may maraming yelo at tyaka makulit ka daw. Pagpapaliwanag ni Atom.

Natawa si Dome sa bata.

Binuhat niya ang bata. Bawal sayo ang maraming yelo butchik. Ani Atom

Ano, butchik? Sabat ni Dome

Oo, Butcher ang name niya. Butchik ang palayaw.

Tumango ito. Butchik pala tawag sayo. Sandali kuhanan kita ng malamig na juice para hindi na ako makulit. 

Pagbalik niya ay may dala itong baso na may lamang juice. May towel at suklaw.

Nasa lap ni Atom si Butchik.

Heto na yung juice mo. Ani Dome

Pagkatapos niyang uminom ay pinunasan niya ito havang karga karga ni Atom. Sinuklay niya ang buhok nito at inayos ang damit.

Love Rescue [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon