Chapter 12: TaoSoo

2.1K 91 4
                                    

Sooyoung's POV

*nom* *nom* subo *nom* *nom* subo...inom inom...subo *nom* *nom*

"Hinay hinay naman sa pagkain. baka mabilaukan ka" halos maibuga ko ang kinakain ko ng may biglang nag salita sa gilid ko ee kasi naman mag isa lang ako dito sa may sulok ng canteen bago mag mag sasalita sa tabi mo bigla bigla? Aba bastusan!

"Eh sa nagugutom na talaga ako ee! pake mo ba?! at saka bakit ka ba nang gugulat? bwiset to!" bulyaw ko sa kanya

"sorry. ang cute talagang magalit ng baby yoongiee ko" sabay kurot sa pisngi ko na lalong ikina init ng ulo ko. nakita ng galit ako tapos aasrin pa ako

"Tse! bwiset ka talaga noh? kung pumunta ka dito para bwisitin ako umalis ka na lang baka masapak kita" banta ko saka tinuloy ang pagkain ko

"pinapunta ako dito nina noona para samahan ka daw. baka mapano ka" sabay upo niya sa harap ko

"Kaya ko sarili ko. saka nasa loob naman tayo ng school ee. Yun nga lang ngayon mas delikado nako may kasama nakong panda ee" sabi ko sabay tayo

"ikaw na nga inaalala ikaw pa galit diyan. tsss" nakonsensya naman ako. sige na nga

"oo na sorry na" sabi ko at sinabayan siya mag lakad. nakita ko naman na may naka ukit na ngiti sa labi niya

nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila sa kung saan

"san tayo pupunta tao!" tanong ko pero di niya ako sinagot

"hoy tao! san mo ko balak dalhin" at pilit kong hinihigit ang kamay ko pero ang higpit ng hawak niya pero di naman masakit masarap pa nga sa pakiramdam para bang safe na safe ako pag kasama ko siya

naka rating kami sa likod ng school

WoW! ang ganda! *O* puro damo, bulaklak tapos may man made waterfalls pa basta ang gondooo!

hinila ulit ako ni tao at naka rating kami sa bench malapit sa may falls at pinaupo ako duon

"Soo may gusto sana akong sabihin sayo. may aaminin ako sayo at sana ngayon pakinggan mo muna ako bago ka mag talak" umpisa niya pero di ako kumibo at hinayaan siyang mag salita

kinakabahan ako parang may mali. Diba dapat hindi ako nakikipag usap sa kanya kasi galit ako sa kanya galit na galit ako sa ginawa niya pero bakit ngayon hindi ko maramdaman yung galit na dapat ngayon ko ipakita sa kanya. Alam ko kung ano ang gusto niya pag usapan namin pero bakit hindi ako maka angal nakain ko na yata ang dila ko

Pero sabi sabi ng isip ko makinig ako

Sooyoung makinig ka muna sa kanya! wala naman masama kung papakinggan mo siya kailangan mo marinig ang side niya! sabi ko sa isip ko

"time na para malaman mo ang totoo. Hindi....Hindi totoo na hindi kita mahal hindi totoo na pinag laruan lang kita. mahal kita yoongiee mahal na mahal kita hanggang ngayon. pinag laban kita pero hindi talaga maawat hindi ko maisip na masisira ang buhay mo pag di kita hiniwalayan ayokong magamit ka ng iba para sa gusto nilang makamit na hindi ko kayang isipin na ipapakasal ka at itatali sa taong hindi mo naman mahal" mahabang paliwanag niya

"hindi ko maintindihan tao"

"Tinakot ng pamilya mo ang pamilya ko na kapag hindi kita nilayuan pababagsakin nila ang negosyo namin at kapag nag hirap kami ipag lalayo nila kami ng pamilya ko at ikaw...... cocontrolin na nila ang buhay mo at ipapakasal sa iba para para sa negosyo niyo...." tumigil siya saglit at ngumiti ng mapait sakin

"Kaya mas pinili kitang iwan ka noon at mag sinungaling sayo na hindi kita mahal na ginamit lang kita para maka limot sa ex ko hindi totoo na pinag laruan kita. Sooyoung lahat may reason.... at ang kuya mo..... siya ang nag sabi na ipapakasal ka sa iba pag hindi kita iniwan" si kuya siwon? imposible naman ata yun mahal na mahal ako ng kuya ako hindi niya hahayaan na masira ng ganon ang buhay ko siya pa nga ang tumulong sakin na sabihin sa parents namin ang relasyon ko kay tao at masaya pa nga ang parents ko noon ee gustong gustonga nila si tao kasi mukhang responsable tapos sila mismo ang dahilan kung bakit nag kaganon kami ni tao? Imposible!

"ano ba yan pinag sasabi mo? Imposible lahat ng sinasabi mo! hindi nila magagawa sakin yon! diba nga gusto ka nila? may plano pa nga si papa sayo si kuya pa ang tumulong satin noon para sabihin kina mama at papa! Kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo!" naguguluhan ako, sumasakit ang ulo

"alam ko. hanggang ngayon hindi ko pa alam kung bakit ganun ang ginawa nila pero ng pumunta ang papa mo sa Pilipinas para sa pag aayos ng bago niyong negosyo pumunta siya sa bahay pero wala ako nasa china ako noon kasama sina hyung para mag bakasyon" huminga siya ng malalim saka nag patuloy sa pag sasalita

"pero hindi ko alam na pumunta siya sa bahay at kinausap ang mga magulang ko. natakot pa nga sa kanya si mama dahil baka kung anong gawin niya pero humingi ng tawad si tito sa pamilya ko at nag kaayos na pero everytime na tatanungin ko kung bakit yun ginawa ng parents mo hindi nila masabi iniiba nila ang usapan kahit ang kapatid ko.... " tinitigan niya ang mukha ko kung naniniwala ba ako sa kanya

"Soo may kutob ako" hinawakan niya ang kamay ko.may tumutulak sakin na maniwala sa kanya may pakiramdam ako na dapat akong maniwala sa kanya

"may kutob ako na hindi lang dun nag umpisa. kahit ako hindi naniniwala na kayang gawin yun nga mga magulang mo"

"kung totoo yan. tulungan mo ko... tulungan mo kong alamin ang totoo kung pano nangyare yun. plss tulungan mo ko" pag mamakaawa ko. Pero hindi gagawin nina papa yun kung hindi may nag tulak sa kanila na gawin yun may matinding dahilan para takutin nila ang pamilya nina tao

*Flashback*

Naalala ko noon kakausapin ko sana si mama noon kaya pumunta ako sa opisina ni papa sigurado naman kasi nandun si mama

naiwanang medyo naka bukas ang pinto kaya sumilip ako

Hindi ko naman sinasadya na makinig sa usapan pero nakita kong may kausap si papa sa telepono habang nasa harap si kuya at si mama

"hindi ko kayang gawin yan. pwede naman natin pag usapan at ayusin wag na natin guluhin pa ang buhay ng mga bata. halos lahat sila sinira mo ang buhay kahit ang anak mo. maawa ka sa mga bata lalo na kay jessica at krystal " rinig kong sabi ni papa sa kausap niya. teka pano nadamay dito sina sica unnie at krystal? di ko maintindihan

nagulat ako ng bigla akong hawakan ni ate sa balikat at hinila palayo agad naman akong napatingin sa loob at nakita ko si kuya na lumapit sa pinto at isinara ito

*EndofFlashback*

hindi kaya lahat yun ay konektado sa iisang storya?

kailangan kong sabihin kina unnie to

"Sooyoung tutulungan kita. pero wag muna natin sabihin kina hyung at noona" tumango naman ako at yumuko naramdaman ko na lang na niyayakap na niya ako kaya agad ko narin siya niyakap ng mahigpit

"Choi Sooyoung. tandaan mo mahal na mahal kita hindi ko na hahayaan pa na may magpa hiwalay satin. kahit anong mangyari mahal na mahal kita walang mag babago. sorry ah kung nasaktan kita noon" bulong niya sa tenga ko habang hinihimas ang ulo ko

"mahal na mahal din kita tao. Thank you at bumalik ka" at tuluyan ng tumulo ang luha ko

Sana nga malaman ko na ang totoo

Sana nga

-------------------------

Sorry po kung maiksi lang to wala nakong maisip ee







The Girls Are BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon