Paint of Truth

2 0 0
                                    

[A/N: Sumali ako nito sa writing contest and natalo LOL]

Link :: https://www.facebook.com/lunagrapika/photos/a.105255611193673/117988203253747/?type=3&app=fbl

Luna Graphics
#LGWritingContest
Entry No.: 49
Title: Paint Of Truth
Genre: Fantasy
Author: bwrightNeriverse

"Ash, nasa baba si Xavier," nabigla ako nang magsalita si Ate Emerald. "Papupuntahin ko ba rito?"

Siya lang ang taong tumulong sa akin magmula nang mabulag ako. Siya lang ang taong nasasandalan ko tuwing may problema ako.

Bumuntong-hininga ako upang mapakalma ang sarili ko. "S-sige."

Naramdaman ko ang paglakad niya para makaalis. Tumayo ako at tinigil muna ang kantang pinakikinggan ko.

Ito lang ang tanging nagagawa ko bukod sa pagpipinta. Ang magpatugtog ng kanta. Nakakarelax kasi kapag ang kantang pinakikinggan mo ay naiintindihan mo.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong ko. Bukod sa nagbabanta, may bahid din itong inis.

"Gano'n pa rin." seryosong sabi niya.

"Ano?!" inis na sigaw ko. "Hihingi ka na naman ng pasensya? Paulit-ulit, nakakasawa na. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na hindi kita kayang patawarin?"

"Aksidente lang 'yon, Ash. Saka—" bago niya pa matapos ang sasabihin, pinutol ko na 'yon.

"Ano na naman?! Dahil nakatadhana 'yon? Tupangina naman, Xavier! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" malakas na sigaw ko.

Dahil sa halo-halong nararamdaman, napaiyak na lang ako. Litong-lito na ako. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Kung ang sinasabi niya ba o ang dating nakita kong ugali niya.

Una pa lang, alam kong gusto na niya akong patayin sa hindi ko malamang dahilan. Pero alam ko namang malalim 'yon.

"Sorry..." naramdaman ko ang paglapit niya kaya umatras ako.

"Huwag kang lalapit, Xavier." pagbabanta ko pero hindi siya natinag. "Please..."

Naging matunog ang pagbuntong-hininga niya. "Ash..."

"Kaibigan kita, Xavier. Pero ikaw ang dahilan kung bakit ako nabulag. Intindihin mo naman ako." nakikiusap na sabi ko.

"Ako ang intindihin mo, Ash. Hindi ko naman talaga dapat ginagawa 'to, eh. Hindi dapat ako halos lumuluhod sa harap mo para lang patawarin ako. Wala akong kasalanan, Ash." mahabang sabi niya.

Umiling ako. "Kasalanan mo! Ikaw ang dahilan, Xavier!"

"Bahala ka." naramdaman ko ang paggalaw niya. "Kumain ka na. Huwag kang magpagutom. Babalik ako rito bukas."

Matapos niyang sabihin 'yon ay naramdaman ko ang pag-alis niya. Agad naman lumapit sa akin si Ate Emerald.

"Hindi ka dapat nagsasalita ng gano'n, Ash. Hindi mo dapat siya sinisisi dahil lang sa wala kang mahanap na tao na pwedeng sisihin."

Alam kong hindi siya sang-ayon sa paninisi ko kay Xavier. Wala naman akong alam sa nangyari. Tama siya. Naghahanap lang ako ng masisisi.

At dahil silang dalawa lang ni Xavier ang lagi kong kasama, siya ang sinisi ko. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan niya pa akong suyuin.

Marahil ay nagsasawa na rin siya na lagi ko siyang sinisigawan. Kaya kahit walang kasalanan ay paulit-ulit na humihingi ng tawad.

"Matulog ka na." huli kong narinig kay Ate Emerald saka niya ako iniwan.

Kinabukasan ay nagpinta na lang ako habang nagpapatugtog ng malakas. Kahit bulag ako, hindi ko pa rin talaga matigilan ang pagpipinta.

Mahal na mahal ko ang arts. Iyon nga lang, ang pinakamahal ko do'n ay ang pagpipinta. Pati ang pagpapatugtog, minahal ko na. To the point na kahit iyon na lang maghapon ang gawin ko sa araw-araw. Ayos lang naman sa akin 'yon.

Random StoriesWhere stories live. Discover now