Dear John,

4 0 0
                                    

Dear John,

Hindi ko alam kung bakit o ano ang nagawa ko sayo lumaban naman ako para sa atin pero bakit ganon? Iniwan mo ako at pinili sya? May nagawa ba akong mali o nagkulang ako? Saan? Saan? Saan, please sabihin mo. Sabi mo kasi ako lang. Sabi mo kasi Im The One pero hindi pala ako si The Last and Forever mo.

Nakakatawa no?

Ako. Ako na nagalaga sayo. Nagtanggol pag may nagbubully sayo. Ako na sumusuporta sa lahat ng gagawin mo. Ako na laging nandito para sayo. Ako na iniiyakan mo at nagpapagaan ng loob mo. Ako na ginawa na ang lahat para sayo.

Pero ano?

ANO?!

INIWAN MO AKO AT PINAGPALIT. ANG SAKIT SOBRA. SABI MO KASI WALANG IWANAN. sabi mo.

Pero bakit ikaw yung unang bumitaw? Bakit ikaw yung nangiwan at naglagay sa ere kung kailan mahirap na ang sitwasyon?

Dahil ba nalaman mo na kriminal ang tatay ko? Pakshet. Kriminal ang tatay ko pero mas hayop ka pa sa kanya. Alam mo naman napagbintangan lang sya di ba? Tapos ano ngayon. Iiwan mo ako porket sinabi nya. Sya na nandyan sa panahon pagkatapos ng lahat. Pagkatapos kitang baguhin at ayusin ang pananamit mo. Pagkatapos mong sumikat dahil hinikayat kitang magbasketall at naging MVP ka. Pagkatapos kitang pilitin sumama sa Teatro at naging bida ka ng play natin. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko.

Alam mo ba kung gaano kasakit? Yung tipong dinudurog yung puso mo at hinihiwa. Nahalos ika baliw mo na? Ang sakit, sakit, sakit. Kasi ikaw na lang yung inaasahan kong magtatanggol at magproprotekta sa akin tulad ng ginawa ko sayo. Pero hindi eh.

Nangiwan ka. Iniwan mo ako. Pinagpalit mo ako.

Nung mga oras na binubully ka dahil anak ka sa labas iniwan ba kita? Hindi. Pero bakit ako? Iniwan mo.

Ayoko na. Sawang sawa na ako sa buhay kong to. Lahat na lang kayo ng iiwan. Lahat na lang kayo humahanap ng mas magandang kapalit. Para ka ring si mama. Iniwan ako para sa mas magandang buhay.

Ngayon ako naman. Ako naman ang mangiiwan. Ako naman ang magpapadanas sa inyo ng sakit. Tutal wala na naman akong silbi dito. Mabuti na lang ito.

Sana maging masaya ka sa pinili mo. Hayaan mo di na kita gagambalain pa. Tatapusin ko na toh.

Paalam.

Love,

Taylor.

The number you've dialed is unavailable please try your call later.

"Asar. Bakit naman toh unavailable oh kailangan ko nang makausap si Loray. Baka kung ano na naman ginawa nung babaeng yun." Napaupo na lang ako sa bwisit. Nakakasar talaga.

May nag call... May nag call... May nag call.

"Hello" bungad ko.

"Hello iho." Narinig ko ang paghikbi ng babaeng kausap ko. At nang tiningnan ko ang caller's id ay parang nanlamig ako.

"Tita?"

"Iho, John, si Taylor patay na."

-Kailza_THG

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon